十一 Shíyī - Ivy Ulshade, the Vampire Princess

70 5 0
                                    

Sa mga mansyon ng Ulshade.

"Maupo muna kayo, ihahatid ko lang si Ace sa kanyang kwarto" sambit ni Ivy.

Habang nasa living room ang apat, hindi mapigilang magkomento ng tatlong kasama ni Chanmee.

"Ang laki naman ng mansyon na 'to, pero bakit ganon? Makaluma ang notif" sambit ni December.

"Ganyan din napansin ko noong una kong punta rito" sambit naman ni Chanmee.

"Nakapunta ka na dito? Kailan?" tanong ni Gia.

"Noong nagpunta kami ni Ace sa Binondo" tugon ni Chanmee kay Gia.

"ANO?!" napasigaw ang tatlo sa sinabing 'yon ni Chanmee.

"Kinukulit kasi ako! Gusto niya raw sumama upang makita ang paligid sa labas ng Lime Square" sambit ni Chanmee.

"Magkaliwanagan nga tayo, may gusto ka ba kay Martinez?" tanong ni Gia na may pagdududa.

"Hindi sa ganon..." naputol na sambit ni Chanmee.


"Wala namang masama ate kung aminin mo na gusto mo siya. Natutuwa nga ako dahil parang mas close pa kayong dalawa kesa saming mga kasama mo" nakangiting sambit ni December.

"Tama si Berr" mahinang sambit naman ni Brian.

"Isa ka pa! May gusto ka rin sa Maria Clara na 'yon di ba?" malakas na wika ni Gia kay Brian.

"Aminado naman ako eh" sagot ni Brian. Habang nag-uusap pala ang magkakaibigan, pababa na pala si Ivy upang salubungin sila. Bigla silang natahimik nang makita si Ivy.

"Totoo ba 'yon?" malakas na pagkakasambit ni Ivy. Tinignan isa-isa ni Ivy ng walang emosyon ang apat. Hindi sumagot ang apat sa tanong ni Ivy kaya nagsalita muli ang dalaga. "Ang sabi ko totoo ba 'yon?!" pasigaw na pagkakasambit ni Ivy.

Tumango lang ang apat sa pangalawang tanong na 'yon ni Ivy. Ang akala nilang galit na si Ivy ay biglang bumulaslas ng tawa. Nagtaka ang apat sa ikinilos na 'yon ni Ivy. Napalitan ng masayang paligid ang kaninang seryosong usapan.

"Nagbibiro lang ako, kayo naman. Ang seryoso niyo masyado haha" sambit ni Ivy na patuloy pa rin sa paghagikhik.

"Let's get to the point, bakit mo kami pinapunta dito?" mataray na sambit ni Gia.

"Napakamainipin naman pala nitong kaibigan niyo. Sige deretsahan na, babalaan ko na kayo sa kakaharapin niyong malaking pagsubok" seryosong sambit ni Ivy.

"Pagsubok?" pagtataka ni Chanmee. "Wala pa kaming pagsubok na hindi namin nalampasan" sambit naman ni Gia. Natigilan si Ivy sa magaspang na ugali ni Gia at hindi muna nagsalita. Mabuti na lamang nasaway siya ni Chanmee at pinatuloy muli na magsalita si Ivy.

"Hindi pangkaraniwan ang nakabangga niyo ngayon, sila ay may taglay na matataas na battle index. 'Yung isa napabagsak niyo na, pero ang tanong kung kaya niyo pa ang natitirang dalawa" seryosong wika ni Ivy.

"Dalawa pang natitira? May mga kasama pa siya?" tanong ni December.

"Oo, ang nakakabahala lang, nagtataglay sila ng ancient dark magic" tugon ni Ivy.

"Alam mo ba kung kailan sila muling aatake?" tanong naman ni Chanmee.

"Hindi ko alam kung kailan at saan pero mag-ingat na lang kayo. Ang dami ko ng alam sa mundong ito na hindi niyo pa nalalaman, huwag kayong mag-alala isa akong kaibigan hindi ba Chanmee?" nakangiting sambit ni Ivy.

TinkerWhere stories live. Discover now