十六 Shíliù - Another Gifted One?

24 2 2
                                    

1 week na lang at tapos na ang semester, kaya naman busy-busyhan na ang mga mag-aaral ng Royal XIII, Fortis at ng Sapienta. At sa araw na rin iyon ay may supresang hindi inaasahan si Neri.

Magkahalong gulat at kilig ang nadarama ni Neri nang makita si Harold na nag-aabang sa may hallway ng technology building. Sinalubong siya ni Harold sabay abot ng isang bouquet ng roses at halik sa pisngi.

"Oh? anong meron ba't napadaan ka dito?" kinikilig na tanong ni Neri.

"Maagang natapos ang trabaho ko this day. Nagpaalam na rin ako kay sir na pupuntahan kita ngayon" nakangiting sagot naman ni Harold.

"Alam mo? tamang tama lang ang dating mo dahil wala na akong klase. Shall we go?" nakangiting sambit ni Neri.

Habang paalis ang dalawa, sa di kalayuan ay nakatanaw si Chanmee kasama sina December at Brian. Naalala na naman ni Chanmee ang nangyari kahapon at nanumbalik ang galit na nadarama.

"Bakit ate? may problema ba?" nagtatakang tanong ni December.

"Tinawag ba naman akong ampon nung hambog na Harold na 'yon!" galit na sagot ni Chanmee.

"Eh ano nga ba ang nangyari sa'yo kahapon?" tanong naman ni Brian.

"Basta mahabang kwento!" galit pa rin na sagot ni Chanmee.

Paalis na rin sana si Chanmee nang may maalala. "May bago nga pala akong inimbentong bracer" wika nito sa dalawa.

Ihinagis ni Chanmee ang dalawang bracer sa kanyang mga kaibigan. Nabigla sila nang saluhin ito dahil medyo may kabigatan ang bracer na iyon.

"Medyo mabigat siya ah, paano ba ito gumagana ate?" tanong ni Brian.

May pinindot si December na maliit na button sa bracer at mabilis na nabalutan ang kamay niya ng isang bakal na tila gwantes. "Ayun pala 'yon" wika ni Brian sabay pindot din ng button sa kanyang bracer.

"Kahapon kasi dumaan ako sa isang scrap yard. Bumili ako ng mga materyales pero bago 'yon nakita ko ang taong nagpprotesta laban sa pagtatayo ng bagong CNC branch. Ginawa ko nga pala 'yan para pag gumagamit kayo ng guarding weapon niyo, hindi kayo mabilis mangawit, 'yan ang silbi ng mga gwantes na 'yan" paliwanag ni Chanmee.

"Teka ate saan ka pupunta ngayon?" tanong ni Brian.

"Mag iisip-isip lang muna ako, gusto ko muna makapagrelax bago ang exams sa Thursday" tugon ni Chanmee.

Bago umalis ay humirit pa ng isang tanong si Chanmee sa dalawa. "Bakit absent  si Ace? alam niyo ba?" wika niya sa dalawa. Umiling sina December at Brian sa tanong ni Chanmee at nagtaka kung bakit niya hinahanap si Ace.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Samantala nasa Zeus Hotel sina Neri at Harold upang kumain. Hindi lang kilala sa luxary suites ang Zeus Hotel, kilala rin sila sa pagiging hotel restaurant at sa kanilang mga pagkain.

Habang namimili sa menu ang dalawa ay lumapit sa kanila ang isang waiter.

"May I take your order sir/ma'am?" magalang na tanong nito sa kanila.

"Dalawang D2, dalawa ring B1 at isang G3" wika ni Harold sa waiter.

Pagakakuha ng order ay agad umalis ang waiter at lumapit naman sa ibang table. Tahimik lang na magkaharap ang dalawa nang mauna na ng magsalita si Neri.

TinkerWhere stories live. Discover now