一 Yī - Past, the Present Future

541 12 0
                                    

Teka bakit ako naka gown? Hindi naman ako nagsusuot ng ganito. Bakit ko kasayaw ang lalakeng naka masquerade na ito? At bakit ang puti ng paligid? Langit naba ‘to o panaginip? Ang weird – ugh!

hhhhrrrrrrnnnnngggg.. hhhhrrrrrrnnnnngggg.. hhhhrrrrrrnnnnngggg..

 

“Atsi!! Atsi!! Gumising ka na! Kanina ka pa ginigising ng alarm clock mo, malalate ka na!” Sigaw ng isang babae na hindi ko alam kung saan galling. Panira naman ng tulog, inaantok pa yung tao eh.

Atsi! Malalate ka na sa part time job ano ba?!” Minulat ko ang aking mga mata nandun ang nakababata kong pinsan na si Nerissa na tuloy pa rin sa pag yugyog sa akin.

“Atsi, bumangon ka na. Hindi ba pupuntahan mo pa si Mr. Valdez para ayusin yung Solar powered golf cart niya?” hindi ko pinansin si Neri at ipinikit  muli ang kanyang mga mata para matulog.

Malamig ang umagang yun, dahil na rin siguro unang linggo pa lamang ng Enero. Kaya nakakatamad kumilos kilos.

"Tatayo na nga oh.. Ano bang almusal?" tanong ko kay Neri. Nag-isip na lang ako ng idadahilan sa pinsan ko para tigilan na niya ako. Bumaba na ako kasunod ng pag-alis ni Neri, nagtungo agad ako sa may isang di kalakihang mesa na may apat na silya. Naupo ako sa katapat na silya na inuupuan ng pinakamamahal kong shobe.

"Atsi dalian mo sa pagkain malalate ka na naman."

 

"Take it easy Neri, sinabi na kagabi ni Mr. Valdez na next week ko na lang daw siya puntahan."

 

Humigop ng mainit na kape ang dalaga. "Hmmm ang sarap ng timpla mo rito ah."

"Xiexie nǐ de kuajiang atsi."

 

"Nandito lang naman tayo sa bahay, wag na tayong mag mandarin okay?"

 

"Okay ate." nakangiting sambit ng dalaga sabay higop din ng kanyang kape.

Sumagi sa isip ni Chanmee na limang araw na lang ay 18th birthday na ni Neri. "5 days na lang debut mo na, for sure may pa-party si uncle nyan sa'yo."

"I don't really expect. Pero sana si Harold yung pang 18 rose ko." wika ni Neri habang nag de-day dream.

 Napatingin ng matagal si Chanmee sa pinsan. "Nangangarap na naman ng gising.." bulong ni Chanmee.

TinkerWhere stories live. Discover now