十四 Shísì - Carla Michelle Sia

49 2 3
                                    

Finals na pero parang normal na araw lamang para sa mga estudyanteng nag-aaral sa Royal XIII. Imbes kasi na busy silang lahat dahil finals na ay nagagawa pa nilang magpetiks-petiks.

Kahit puyat ay nagawa pa rin pumasok nina Ace at Brian. Nagtaka ang buong klase dahil wala ang tres marias ng klase lalong lalo na si Adrian.

"Anong nangyari kay leader tsaka kay Berr?" tanong ni Adrian sa dalawa.

"Napuyat kami, nakasagupa kasi namin 'yung kasama nung isa naming nakalaban last month" tugon ni Ace.

"GOOD MORNING!"

Napalingon ang magkakaklase sa malakas na bating iyon ni December.

"Oh? Akala ko ba hindi ka papasok?" tanong ni Brian na inaantok pa.

"May duty ako ngayon and besides ang dami ko pang tatapusin na project sa ibang subjects" tugon ni December.

"Glenn, Adrian, kayo muna in-charge ngayong araw ah?" wika ni Brian.

"Okay, walang problema" sambit ni Glenn.

"Habang wala pa si leader kami na muna ang bahala ni Glenn" sambit naman ni Adrian.

Habang nasa gitna sila ng pag-uusap ay nagkakagulo ang mga estudyante ng Royal XIII. May dumayo na naman kasi na taga ibang school at balak mang-gulo. Kanya-kanyang sara ng pintuan ang mga classrooms at faculty room dahil sa takot.

"Anong nangyayari?!" nagulat na tanong ni Ace.

"Mukhang 'yung mga taga Bovinor na naman, wala ba silang kadala-dala?" humihikab na sambit ni Brian.

"Bovinor?" tanong ni Ace.

"Bovinor University, halos 3/4 ng mga mag-aaral doon basag ulo lang ang alam. Kaya nga hindi sila naisama na isa sa mga tanyag na unibersidad katulad ng Sapienta, Fortis at ng school natin" paliwanag ni December.

 

"Kuya Bry? Pwede kami na lang rin ang bahala sa mga 'yon?" hiling ni Glenn.

"Kami na muna ang haharap sa kanila, sigurado akong gusto na naman nila hamunin si leader. Bry, Berr, Ace dito lang kayo" sambit ni Adrian.

Bumaba agad sina Adrian at Glenn upang harapin ang mga taga Bovinor.

Bumungad sa kanila ang halos trentang kalalakihan na may kanya-kanyang dala na dos-por-dos, tubo at mga baseball bat.

TinkerWhere stories live. Discover now