十五 Shíwǔ - Pandora

39 2 2
                                    

Isang mainit na umaga sa mga taga Lime Square City. Kasabay din ng pag-init ng ulo ni Harold sa kanyang tauhan dahil hindi na naman nagawa ang kanyang ipinag-uutos.

"NAPAKA-WALANG SILBI NIYO TALAGA! ANG TAGAL KO NG PINAPATRABAHO SA INYO 'YON, HINDI NIYO PA RIN SILA MAKUMBINSE?!" galit na galit na sambit ni Harold sa dalawang tauhan nito.

"Eh sir, nagmamatigas pa rin po sila. Hindi naman natin sila pwedeng galawin basta-basta" sabi ng isang empleyado.

"Pupuntahan ko ngayon ang site at pipilitin ko sila, sa ayaw man nila o hindi!" malakas na sambit ni Harold.

Samantala sa underground office ni Nico sa loob ng CNC.

"Sigurado ka ba dito Carla?" nahihiyang tanong ni Ivy.

Pinahiram kasi ni Carla ang kanyang white dress kay Ivy. Kadalasan kasing suot ni Ivy ay puro itim, kaya naiilang tuloy siya sa kanyang suot.

"Okay lang 'yan, well andito na tayo" sambit ni Carla.

"Teka..? Bakit may biohazard sign diyan?" pagtataka ni Ivy.

"Wag mong pansinin 'yan. Design lang ni Nico 'yan sa office laboratory niya. Kung sakaling may magtatangkang pumasok" nakangiting tugon ni Carla.

*bzzttt* *bzzttt*

Ilang beses pinipindot ni Carla ang door bell ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto. "Ano ba 'to kahapon ang tagal ko rin pagbuksan ng pinto" mahinang sambit Carla na naiinis.

"Ah ayaw mo ako pagbuksan ah, teka.." sambit ni Carla na may paghahamon ang tono. Kinapa niya ang isang sikretong button sa ilalim ng biohazard sign. Napahanga si Ivy sa teknolohiyang iyon. Pagkapindot niya rito ay may lumabas na isang maliit na screen sa itaas ng door bell.

"Welcome! CNC 3rd degree security. How may I help you?" sabi ng computer security.

"May I enter the lab right now? By the way is Mr. Nicolai Luigi Sia inside?" tanong ni Carla sa computer security.

"He's taking his breakfast right now. Yes you may enter, but first let me take your eye and hand identification if your qualified to breach our security" sagot muli ng computer security.

Sinunod ni Carla ang hiling ng computer security at tumayo siya sa harap ng maliit ng screen. Naunang chineck ang kanyang mga mata.

"Eye color: Black. Check..."

Sumunod naman ay ang hand scanner.

"Checking..

TinkerWhere stories live. Discover now