九 Jiǔ - The Forgotten Secrets of the Past

81 6 0
                                    

"Nǐ zěnme yàng? Wǒ zuì xǐhuān zhínǚ(Kamusta na? paborito kong pamangkin)" nakangiting wika ng babaeng kaharap ni Chanmee.

Hindi makapaniwala si Chanmee sa kanyang nakikita, sinampal-sampal niya pa ang sarili baka dahil lang sa antok ang kanyang nakikita. Umuwi pala ng Pilipinas ang auntie Milly niya pero may napansin siyang kakaiba.

Bata kasi tignan ang kanyang auntie na naglalaro lamang sa edad na 20+. Para makasigurado ay agad niya itong kinausap kahit na may pagdududa pa rin siyang nararamdaman.

"Ayi?(Auntie?) ikaw ba talaga 'yan?" tanong ni Chanmee.

"Wala ng iba, ako nga ito Chanmee" nakangiting sagot nito kay Chanmee.

"Pero bakit ang bata ng itsura mo? Anong nangyari sa'yo?" tanong muli ni Chanmee.

"Dalawang taon pa lang ang nakakalipas noong makilala kita, ano ka ba?!" pagtatalak ng auntie Milly niya.

"Dalawang taon? Eh 23 years na tayong magkakilala auntie" paliwanag ni Chanmee.

Napakamot ang kanyang auntie Milly at nagsimulang magpaliwanag sa kanya.

"Nag time leap ako papunta dito galing 2015, gamit ito" sambit ng kanyang auntie Milly sabay pakita ng isang relong nasa kanang kamay niya.

"Teka kakaibang phoman 'yan ah? Upgraded version ba 'yan?" paguusisa ni Chanmee.

"Phoman? so 'yun pala ang tawag niyo dito sa panahon ito? lahat ba kayo meron nito?" tanong ni Milly.

"Mga gifted one lang ang meron ganyan, kasama na kayo doon auntie" tugon ni Chanmee.

"Gifted one? teka nga. Alam kong marunong ako ng kaunting martial arts pero bakit gifted one ang bansag sa mga katulad natin?" tanong ni Milly.

Pinapasok muna ni Chanmee ang kanyang auntie Milly upang ipaliwanag ang lahat-lahat sa panahon nila. Ganun rin naman ang ginawa ni Milly na pagpapaliwanag sa pamangkin.

"So gifted one na rin pala ang itatawag ko sa katulad kong nagmamay-ari ng isang guarding weapon tulad nitong Madder Rose. Kaya pala noong una mong ibinigay sakin 'to may kakaiba na akong naramdaman, katulad ng battle index na sinasabi mo" sambit ni Milly.

"Nakapunta na kami noon nina Desiree at Arron dito, hindi mo talaga matandaan?" sambit muli ni Milly.

TinkerWhere stories live. Discover now