多餘章 Extra Chapter - Gifted Ones, Organization and Groups

78 6 0
                                    

Kilala ang Lime Square City sa pagkakaroon ng mga makabagong establishments at uri ng pamumuhay ng mga tao dito. Sa gitna naman ng siyudad nakatayo ang CNC o ang Carmen Navarette Corporation kung saan nagtatrabaho si Chanmee, na pinamamahalaan naman ng kanyang uncle Nico. Sa Lime Square City rin ang sabihin na nating lugar ng mga gifted ones.

Mga characteristics ng isang gifted one:

1. Ang pagkakaroon ng guarding weapon

Sila yung may mga kakaibang kapangyarihan at mga armas na tinatawag nilang guarding weapon. Sa isang chapter nabanggit ni Chanmee na hindi pwedeng mahiwalay sa nagmamay-ari nito ang kanyang guarding weapon. Bakit? dahil one time kasi at hindi pa naiimbento ni Chanmee ang Phoman na kanilang ginagamit nawala ni December ang kanyang Ashura. Isang araw lamang nawala sa kanya ay nanghina siya, di rin nila maipaliwanag ang pangyayaring 'yon. Ganun rin kasi ang nangyari sa isa pa nilang kakilala na gifted one.

Once kasi na na-attached na sa'yo ang sarili mong guarding weapon ay masasanay na ang iyong katawan sa enerhiyang binibigay nito. Na para bang iisa lang ang puso't kaluluwa ng guarding weapon at ng nagmamay-ari rito.

"Eh bakit yung aunti ni Chanmee na si King walang guarding weapon?"

Sa di malamang dahilan kahit na wala siyang guarding weapon ay gumagamit naman siya ng battle index na nagiging hugis bola nilalabas niya sa kanyang mga kamay.

2. Abilities

May unique at common abilties ang mga gifted one. Sa mga common naman ay una ang super speed, pangalawa ang pag-talon ng mataas na di lalagpas sa 16 metro at pangatlo ang telepathy. Ang dalawa sa common na ability ng isang gifted one ay napakita na sa other chapters pero ang telepathy ay hindi pa.

Sa uniques abilities kasi tanging isang gifted one lamang ang nagtataglay o ang guarding weapon mo o pareho. Hindi pa naipapakita ang kani-kanilang unique abilities dahil hindi pa nila ito natutuklasan sa ngayon.

Lumipat naman tayo sa pinaka-kalaban ng buong Lime Square City. Ang sindikatong pinamumunuan ni master Hei, kasama ang kanyang shadow triad. Shadow Triad na binubuo nina Lǜ, Lán at Hong. Naibagsak na ng grupo ni Chanmee si Lǜ pero kahit dadalawa na lang ang Shadow Triad ngayon hinding-hindi sila magpapapigil sa paggawa ng masama.

Note: Kinuha ko yung Shadow Triad sa original na Shadow Triad ng Team Plasma sa Pokemon Series.

Pumunta tayo tatlong universities sa loob ng Lime Square City, ang Royal XIII, Fortis at Sapienta. Ang Royal XIII, kung saan nag-aaral si Chanmee kasama ang kanyang mga miyembro sa samahan nilang tinatawag na Monarcha. Nasa kabilang university naman ang mahigpit na karibal ng grupo nila ang Bravo sa Fortis University na pinamumunuan naman ni Krishber. Habang ang Sapienta, di mahilig sa away ang university na 'to pero pag sila ang na-agrabyado gaganti sila.

Bago ko tapusin ang chapter na 'to, ano nga ba ang kababalaghan sa pagkatao ni Ivy? at bakit ayaw talagang sabihin ni Ace kung saan nakatira ang dalaga. Just wait for the other chapters mare-reveal din ang kanyang identity soon.

For now meet Ivy at the multimedia section (◕^^◕)

TinkerWhere stories live. Discover now