十 Shí - From Cold to Warm

74 5 0
                                    

Kinabukasan, maaga na namang gumising si Chanmee. Mukhang maganda ang kanyang gising, pasipol-sipol pa ito habang nagluluto ng kanyang agahan.

"Dumaan ako ng Jupiter, Mercury, Venus, Mars, Saturn, Saturn naghahanap para sa iyo ♪ ♫" pagkakakanta ni Chanmee na may sweet na boses.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Isa na namang busy na araw para Royal XIII, midterm exams na kasi kaya naman bawal ang malate. Pagkatapos ng exam, isa na namang event ang gaganapin sa buong Lime Square City.

Tradisyon na kasi sa Lime Square City na magkaroon ng isang pageant tuwing ika-huling linggo ng Pebrero. Para may tanghaling Lime Princess at Prince, kukuha ang mayor ng Lime Square ng representante sa tatlong universities base sa mga boto ng kanilang mga kaeskwela. Ang defending para sa korona ay sina Krishber at Brian.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Sa kakaayos ng kanyang sarili, di namalayan ni Chanmee ang oras. 30 minutes na lang bago ang kanilang exam para sa araw na 'yon.

Sa kamamadali niya papuntang Royal XIII, nakalimutan niyang mag suklay man lang. Kaya naman pagdating niya sa school ay kinapa-kapa niya ang kanyang sling bag upang hanapin ang kanyang suklay. Kamalas-malasan nga naman, pati pala suklay niya ay naiwan kaya kahit late na ay dumiretso muna siya sa banyo upang mag-ayos.

~~~~~~~~~~~

"Okay class 3 minutes to go at sisimulan na natin ang exam" wika ni Ms. Mesia, ang intructor ng Ulti-class para sa subject na Operations Management.

(✪Note: Lahat ng miyembro ng Monarcha ay pare-pareho ng kursong kinukuha at taon sa kolehiyo. Nasakto lang sa nasa ulti-class(special class) sila nailagay. )

Bago pa man magsimula ang exam ay bumukas ng dahan-dahan ang pinto ng room.

*door creaks*

"Ma'am late na po ba ako?" tanong ni Chanmee s kanyang guro.

"Hindi pa, sakto lang ang pagdating mo. Pumasok ka na nang makapagsimula na tayo" wika ng kanyang guro.

Pagpasok ni Chanmee ay natigilan ang lahat sa kanilang pagrereview. Parang magical ang mga sumunod na nangyari. Nagtungo na si Chanmee sa kanyang desk at sa bawat madadaanan niya may naiiwang bango galing sa kanyang uniform at buhok na nakalugay.

Nagsimula na namang magbulung-bulungan ang buong klase. Ngayon lang kasi nila nakita na mag palda ng walang leggings o skinny pants si Chanmee. Ibang-iba ang Chanmee na bumungad sa kanila ng umagang iyon, malayo na malayo sa boyish at strict na porma ng dalaga.

TinkerWhere stories live. Discover now