Prologue

2.4K 24 0
                                    

"Mayaman ka naman ah, bakit nag ttyaga kang tumira sa isang di kalakihang apartment?"

"Ang puti mo naman, ano bang pangpaputi ang ginagamit mo?"

"Kaya ka hindi nagkaka boyfriend dahil sa katarayan mo eh."

Yan ang kadalasang tinatanong ng mga taong first time lang ako makilala.

Pero sanay na ako, wala naman silang alam kung bakit yun ang pamumuhay na ginusto ko.

In spite of being in a wealthy family hindi ako sinanay ni Mā at Pà na maging maluho, naalala ko bigla ang sinabi nila noong ako'y bata pa.“Alam mo Chanmee habang bata ka pa kailangan mo ng matutong mag tipid. Nakikita mo ba yung barya na ‘yon? Hindi lalaki ang pera kung wala yan, kaya you must learn to appreciate kahit kaunting halaga.” Hanggang ngayon rinig na rinig pa rin ng dalawang tenga ko ang mga sinambit ni Papa.

Namimiss ko ang mga panahong inampon nila akom hindi bale nakita ko naman sa nakaraan kung paano umusbong ang pagmamahalan ng mga magulang ko.

2 weeks na rin ang nakakalipas ng umattend ako sa unexpected engagement party nina uncle Nico at ayi Desiree. Bago ako umalis ginamitan ko silang lahat including myself ng lavender scent elixer na binigay ng kaibigan kong chemist.

 

In Year 2038

Wala pa ring gumagamit ng jet-packs para mamasyal, or mga kotse na lumilipad katulad sa mga science fiction films. Ngunit may improvement pa rin. Malala na ang climate change, Enero na pero akala mo Disyembre pa rin sa sobrang lamig. Asahan mong magiging triple ang init na ibibigay ng kalikasan pagdating ng Marso.  Maliban doon, wala namang bago…

"Parating na sila! Parating na sila!" isang lalaking mag-aaral ang nagsisi-sigaw, bigla siyang pumasok sa tarangkahan ng paaralan ng  Royal XIII University. Lahat ng mga mag-aaral ay nagsimulang tumakbo sa loob ng gusali ng paaralan, Si Mr. Tolentino na isang  discipline officer ay dumating suot-suot ang kanyang swat armor, tonfa , at nakatayo sa harap ng paaralan , naghihintay ...



May pangkat ng mga mag-aaral, suot ang kanilang uniporme naiiba mula sa iba pang mga mag-aaral , ay paglalakad patungo sa gusali ng paaralan . Ang ilan ay nagdadala baseball bats at kadena. Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad hanggang nagsimula ang gate ng paaralan sa pagsasara.



Gumaan ang paghinga ni Mr. Tolentino nang napansin niyang ni walang tunog ng pagpupumilit na pagpasok mula sa gate. Nagulat siya ng pagtingala niya ay tumalon ng pagkataas-taas ng mga mag-aaral ngunit hindi lahat. Kinamusta siya ng mga estudyanteng nakatalon ng bakod at pumasok na sila ng gusali, matulin na chineck niya ang mga gate at likod. " Ano ... Paano ... ?"



"Oh good morning, discipline master,"
bati ng  isang mala-labanos ang kaputian ng balat at medyo may kahabaang buhok dalaga na tinatawag na Lea. "Sa susunod ayusin niyo naman ang pagbabantay ha?" nakangiting sambit ng dalaga habang papunta na sa mga kaklase niya para humabol.



Hinagis ni Mr. Tolentino ang shield sa sahig at kamalas malasang natamaan and kanyang isang paa. Napa-aray na lamang siya sa sakit habang sumisigaw ng "na naman!!!.."

~~~~~~~~~~~~~~~~

TinkerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora