Chapter 46 Home

388K 6.1K 218
                                    

Flashback

Graciela's POV

Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 5J581 to Cebu. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. This is it.

"Sigurado ka na ba dito?" tanong ni Elias na siyang katabi ko. Nasa likuran naman namin si Giana na abala sa kakatipa sa cellphone niya. Hanggang ngayon gulat pa rin  siya sa nalamang may kakambal si Eliot..

Tumango ako. "Its now or never."

"What about Yvo?"

I gave him a weak smile. "Haharapin ko siya pagbalik ko. One problem at a time Eliot."

"I know. So what made you change your mind running away?" Kahapon dapat ang alis namin papuntang France but i backed out. Habang nasa biyahe kami papuntang airport ay naalala ko lahat ng mga nangyari this past few weeks. At doon ko na sinabi na hindi na ako aalis. Na babalik na ako kay Yvo. That I would tell him everything. Pero hindi rin iyon nangyari.

Nakatanggap ako ng tawag mula sa pinsan ko na nagtatrabaho sa Cebu na kinakailangan kong pumunta doon. Natagpuan nito ang papa sa bayan ng Santander sa Cebu. Magmula ng umalis si papa ng walang paalam ay hindi ko ito hinanap dahil sa sobrang galit ko. At hindi ko rin lubos maisip na titira ito sa Cebu gayong wala naman kami kamag-anak doon. Ang pinsan ko naman ay ilang buwan pa lang doon na nagtatrabaho kung hindi ako nagkakamali. Salat din sila sa buhay kaya napilitang magtrabaho doon.

Hindi ito ang tamang panahon para sa isa pang problema. Pero naisip ko na may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Ito na ang tamang panahon na magkaharap kami.Kailangan kong ayusin ang buhay ko. Upang sa ganon ay makapagsimula kami ng bagong buhay ni Yvo ng maayos at payapa. Hindi iyong mabubuhay ako sa galit at hinanakit sa mismong nagbugay ng buhay sa akin.

 So Eliot re-scheduled our flight the very next day —- today.

"At naisip ko 'yung mga pinagdaanan namin. Naisip ko ang magiging baby namin. Ayoko siyang lumaki na walang ama. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko. Kaya ko lang naman nasabi ang bagay na iyon sa iyo dahil natakot ako para sa kaligtasan namin.Iyon na lang ang naisip kong paraan at that time. Paano kung balikan kami ni Sandra?" hindi ko na alam ang nagyari sa kanya.

"Kaya ka nagsinungaling kay Yvo. Ganun ba?" naikwento ko na rin kasi dito ang lahat ng nangyari. Pati ang pagsisinungaling ko na wala na ang baby namin. "Dont you trust him?"

"I do. I trust him because I love him. Its just that —- I was so scared I cant even think straight. Ni hindi ko siya matignan dahil sinusundot ako ng aking konsensiya. Pinapaalis ko siya dahil natatakot akong malaman niya ang totoo na buhay pa ang baby namin. I was so paranoid. Nang dahil sa kagagahan ko, nandito ako ngayon sa sitwasyong ito." naiiyak na paliwanag ko.

Kinuntyaba ko pa ang Doctor na nagkataong classmate ko noong highschool. Kahit labag sa propesyon niya ay tinulungan pa rin niya ako. Puno ako ng pasasalamat nang sabihin niyang malakas ang kapit ng baby ko. Nagdugo lang daw ako dahil sa stress at takot na rin. God knows what would happen to him if Yvo find out the truth. I am silently wishing that he wouldnt found out not until I get back.

May dinukot si Eliot sa bulsa niya. Panyo. Inabot niya sa akin ito at malugod ko naman na tinanggap. Im being too emotional this past few weeks. Dulot na rin siguro ng pagbubuntis ko.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon