Chapter 29 - Belle in disguise

18.9K 656 320
                                    

Beauty's

"Something wrong?" bulong ni Hunter, he is panting dahil katatapos lang maglaro.

Nilingon ko siya kaya tumama ang pisngi ko sa kanyang ilong. Hinalikan niya ang pisngi ko bago binuksan ang sinasandalan ko na cooler. Nakaupo ako sa malamig na buhanginan sa ilalim ng matatayog na puno para hindi maarawan. Hindi ko napansin na lumapit siya sa pwesto namin.

Kasama ko dito sa may lilim si River at ibang kamag-anak nina Hunter. Kung nasaan ang natatakpan ng puno ay doon kami nagkanya-kanya ng pwesto kaya hindi kami magkakadikit.

Naglalaro sina Hunter ng beach soccer kasama ang kapatid at mga pinsan. Hindi ko na nasundan ang laro nila dahil busy ako sa paghahananap sa kung sino man ang nakatingin sa akin, o kung meron man.

Kanina pa kasi ako lingon ng lingon. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin o di kaya nagmamasid sa bawat galaw ko. Basta bigla na lang ako napapalingon kung saan ko nararamdaman yung tingin. Kinikilabutan na talaga ako sa aking sarili. Ayokong matuluyang mabaliw!

Binuksan nito ang water bottle. Uminom siya ng kaunti habang nakatitig sa akin at inaabangan ang sagot sa kanyang tanong.

"Wala naman. Why?"

Nagtama ang tingin namin at mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Pilit akong ngumiti at dinampihan ng halik ang kanyang mapupulang labi.

Napasadahan ko ng tingin ang mga babae na nakatayo di kalayuan sa pwesto namin. Nakatalikod si Hunter sa kanila kaya hindi niya kita ang mga ito. Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa katawan ni Hunter. Walanghiya!

"Medyo bothered ako na nakabalandra yang eight pack abs mo," wika ko saba'y balik ang atensyon ko sa kanya.

Hinagod ko ng tingin ang half naked na katawan niya na natatabunan na ng pawis. Hinubad nito ang black underarmor shirt nito at itinira ang itim na board shorts bago sila naglaro kanina. Tirik na rin ang araw kaya lahat sila ay nalulunod na sa pawis habang naglalaro. Dapat nakakadiri di ba kasi pawisan siya. Bakit ganun? Mas nagmukha siyang kaantig-antig sa paningin ko.

I gulped. Natuyuan ang lalamunan ko. Jusme! Maghunos dili ka, Beauty!

Umakyat ang tingin ko patungo sa adams apple niya hanggang sa dumako sa kanyang mukha. Tumutulo ang pawis sa gilid ng kanyang mukha.

Sana ako na lang iyong pawis. Medyo dehydrated ako e!

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Punong-puno ng amusement ang kanyang mukha habang hinahagod ko ng tingin ang kabuuan niya.

Hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya kahit magkadikit na ang mga binti namin. I am wearing a sleeveless crop top over my bikini. Kaya naramdaman ko agad ang mainit niyang palad sa tiyan ko. Yumuko ito ng kaunti para pumantay sa akin.

"Are you hungry?" malambing na tanong niya. Bahagya nito hinahaplos ang aking tiyan. Napakagat-labi ako dahi sa kiliti dulot ng kanyang ginagawa.

Nakakagulat minsan si Hunter magpakita ng ka-sweetan. Hindi ko na nga kinokontra. Kaya parang estatwa ako ngayon hindi makagalaw. Natatakot magkamali. Baka magbago agad ang isip niya at matapos ng maaga ang paglalambing nito.

"h-hungry saan?" wala sa sariling tanong ko habang nakatuon ang tingin ko sa biceps niya.

He laughed while pinching my tiny belly fats.

Mali naman kasi yung tanong niya dapat...

Are you thirsty??

"for food, Baby. Hmm?"

"Hindi naman. Busog pa ako e," saba'y hagod muli ng tingin sa abs niya. Gosh, minamanyak ko yung sarili kong boyfriend. Is that legal?

Humalakhak siya kaya mas lalong nanigas yung mga muscles niya sa tiyan. Nate-tempt ako na hawakan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now