Chapter 19 - Belle the troublemaker

8.3K 346 26
                                    

Beauty

It's Monday magkikita na kami ng alaga ko.

Hindi ko siya nakita sa lounge buong weekend. Si Sir Lysander lang ang nakita ko. Pati si Sir Flynn hindi ko man lang nasilayan kaya malungkot ang weekend ko.

Tinawagan ko si Oscar ng sobrang aga, mga alas-cinco. Nagulat nga ako na on the way na daw siya sa trabaho kaya okay lang kung tinawagan ko siya. Grabe, sobrang aga. Tinanong ko lang schedule ni Hunter ngayong araw, actually yung buong week ang hinihingi ko. Noon una ayaw niyang ibigay kesyo privacy daw etcetera pero hindi ko talaga tinigilan at inulit-ulit kong sinabi na girlfriend ko si Hunter. Kaya binigay na lang sa akin yung schedule lang for today. Wala namang ganap si Hunter ngayong araw, meetings lang so okay lang puntahan ko siya.

Paliko na ako papuntang main entrance nang nasipat ko ang anino ni Tiya hindi kalayuan sa entrance. Kasama niya yung mga ibang humabol sa akin noon.

Nalintikan na.

Sabi ko na nakaamoy na ng pera ang madrasta ko. She probably know by now that Hunter is filthy rich and she's going to use me to milk on him.

Think, Beauty.

Naka-shades ako at nakatago ang buhok ko sa ilalim ng sumbrero ko. Hindi naman siguro ako mapapansin agad kasi madami na rin empleyado na pumapasok galing lunch break.

Nagtago ako sa isa sa mga planters dito sa labas habang humahanap ng tyempo. Palingon-lingon sina Tita.

Hayst!

Natuwa ako ng may isang grupo ang naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong nakisabay sa kanila sa bandang likuran. Iniharang ko yung palad ko sa side ng mukha ko na nakaharap sa direksyon nina Tiya.

Nang makapasok ay dumiretso ako sa front desk. Mukhang kilala na nila ako kaya hinayaan akong makapasok. Natuwa ako ng slight kasi hindi totoong ni-ban ako ni Hunter. Ganun pa rin ang itsura ko na tinatago ang mukha gamit ang palad. Nakayuko akong takbo lakad ang ginawa patungo sa elevator. May mga nakatingin sa akin pero hindi ako pinansin dahil may mga kausap sila. Mabuti naman.

Sa kakayuko ko papasok sa elevator, nabangga ako sa isang matigas na bagay.

"Ay shit!"

Hinubad ko yung sunglasses ko. Unti-unti kong tinignan kung ano ang nabangga ko.

Si Hunter.

Muntik ko na siya talunin sa sobrang tuwa.

I am safe. Dyusko.

At least may kilala akong magtatanggol sa akin kung sakaling maabutan ako ni Nanay dito. Kahit alam kong imposible silang makapasok kasi mahigpit security nila dito.

Niyakap ko na lang siya. Nanigas yung katawan niya sa gulat. May mga lima siguro kaming kasama dito sa elevator. Di ako sure. May dalawa sa gilid namin. Yung iba nasa likuran.

"Hunter baby, huwag mo akong iiwan." Ma-dramang sabi ko.

Pilit itong kumakawala sa aking yakap pero hindi ako nagpaawat. Ang bango-bango niya. Na-miss ko siyang sirain ang araw niya. Itinulak niya ako ng may lakas. Napalayo ako ng kaunti sa kanya. He is fixing his suit.

"Are you in trouble again?"

"Nakikipaglaro ako ng tagu-taguan sa CCTV," sagot ko.

Hindi na naman siya nagsalita. Umabrisyete ako sa kanya. Hinayaan na lang niya ako.

"I brought lunch, again." masayang sabi ko.

"Hindi ba sabi ko, ban ka na dito."

Napanguso ako. Diretso ang tingin niya sa pintuan ng elevator.

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now