Chapter 14 - The other Belle

19.8K 582 106
                                    


Beauty

The clock is ticking.

Ganyan ang pinadalang text ni Mr. Castillo sa akin kaninang umaga. Kaya naman nagmadali akong pumunta dito sa opisina niya para pakiusapan na lang na huwag nang ituloy ang deal namin. Nawalan na kasi ako ng pag-asa na magagawa ko pa yung nasa kontrata namin dahil sa sobrang sama ng ugali ng inaanak niya. At tsaka baka hindi na rin ako makakapasok pa sa company nila kaya imposibleng malapitan ko pa siya araw-araw.

"Sir, sige naman na. Akala ko kasi madali lang makapasok dito. At tsaka kasalanan mo naman kasi akala ko tutulungan niyo ako!" wika ko habang nakaupo sa sofa niya na nandito sa opisina nito. Nagbabasa naman ang matanda ng mga papeles habang kinakausap ako.

Sinulyapan niya ako kaunti bago ulit itinuon ang atensyon sa binabasa. Napanguso ako.

"At sinisi mo pa ako?"

"Eh kasi naman!"

"Kung hindi ka tumatambay dito sa opisina ko di sana may progress na nangyayari."

"Ang hirap talaga ng pinapagawa niyo eh. Pressure kasi aketch!" tunog bading ko pang sabi. Lumapit ako sa mesa niya at umupo sa isa sa upuan doon sa harap ng mesa niya. Pumangalumbaba ako sa harapan niya. Dumapo ang tingin ko sa picture frame nasa mesa niya, kinuha ko ito at pinagmasdan. Tatlo sila na nandun. Si Mr. Castillo, ang asawa niya at isang batang babae. Nakatirintas ang mahaba niyang buhok, hugis puso ang mukha, maputi din siya tapos may hawak siyang manika na sira-sira na. Napangiwi ako. Ang creepy lang nung manika kaya di ako naglalaro ng ganun nung bata pa ako.

"In fairness, ang ganda ng anak niyo." komento ko. Kinuha niya ang picture frame mula sa akin at binalik iyon sa pwesto nito kanina. "Ano po name niya?" tanong ko.

He sighed.

"Allison." tipid na sagot nito.

Tumango-tango ako.

"Nasaan na siya?"

"Far away."

"How far? Sa US?"

"Huwag mong iniiba ang usapan."

"Sir, ayoko na talaga. Ang napaka, po ni Hunter."

"Anong napaka?"

"Napaka... walang modo, sungit, suplado, walang utang na loob at tsaka -"

"at gwapo?"

"Opo" I paused nang marealized kung ano yung sinabi niya. "hindi... hindi ah." tanggi ko.

Tumawa siya. "So you think my godson is hopeless?"

I made a face. "Hindi naman po pero parang ganun na nga."

"Wrong."

"Eh?"

"He maybe rough around the edges but he will come around eventually."

"Kailan po yung eventually, mga another 14 years?"

"depende sa performance mo."

"Tss..." Ngumuso ako.

"Last night, me and my wife watched this movie. One of the agent in the movie said, everyone has pressure points. You find something that is personally important to someone and you squeeze. Do you know what happens after you squeeze a pressure point?"

Umiling ako. "Ano po?"

"It eases the pain. So find his pressure points, Beauty... once you do, squeeze it so hard," napatawa siya sa sinabi pati ako ay natawa na rin dahil idiniin niya talaga yung pagkakasabi niya. "squeeze it until he never feels any pain anymore."

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now