Chapter 15 - Blackmailing the Beast

8K 259 25
                                    

Beauty

Lupa... lamunin mo na ako ngayon din! Pagmamakaawa ko habang nakatulala sa may ceiling ng opisina dito sa Falcon Shipping Lines. Paanong di ako titingin sa taas gayong limang lalake sa harapan ko ang nakatitig sa akin ng masama.

Pagkatapos ng kissing scene namin ni Hunter kanina sa labas ay bigla na lang niya ako hinila --- ay mean kinaladkad pala niya ako papasok sa building. Wala itong sinabi kaya mas lalo akong kinabahan. Sumunod din sa amin yung ibang mga kasama niya.

Kasalukuyang nag-uusap silang apat pero ang tingin nila ay nasa akin. Si Hunter ay palakad-lakad sa may gilid ko. Yung Kier ay nakaupo lang isang pang-isahan na upuan at may kausap sa phone habang paputol-putol na nakikipag-usap sa iba. Si Sebasten na company lawyer ni Kier ay nakaupo din sa natitirang pang-isahang upuan sa harapan ko. Si Sir Bullet naman ay nasa tabi ko lang din dahil nakaupo kami pareho sa sofa. Hindi ko siya masyadong nakilala kanina sa labas dahil naka-shades ito at hindi naman siya ang focus ko. At ang pang-lima ay walang iba kundi si Mr. Castillo na kanina pa ako palihim na tinatawanan. Nagtataka na nga ang apat sa kanya. They have asked for his presence at kanina nga agad itong dumating. Parang hindi nagulat na nakita niya ako. Inirapan ko na lang siya.

Si Sir Bullet ang unang nagsalita. "You looked really someone I have seen before." wika niya.

"Ah.." I awkwardly laughed. "Kasi Sir, nagwowork po ako sa lounge niyo sa Suit and Tie Club." sagot ko.

Tumango-tango siya. "Oh! So girlfriend ka ni Hunter?" panguusisa nito.

"WHAT? NO!" pasigaw na sabat ni Hunter.

I snorted. "Ay over hah!"

Hindi pinansin ni Sir Bullet si Hunter. "So?" he asked me again.

"Hindi nga po. Kaya lang kasi..."

"You better have a concrete explanation, young lady. Malaking gulo ang pinasukan mo." seryosong sabat ni Sebasten. Sa kanilang lima, sa kanya ako medyo natatakot. Masyado kasing seryoso ang mukha niya kumbaga pinanganak siya with resting bitch face. Bagay nga sa kanyang maging lawyer, intimidating.

"Kasi Sir..." napapikit ako. Dyusko, white lies lang ito. Magno-novena ako sa Quiapo next year. Pagbigyan niyo na ako ngayon. "Kasi po may gusto po ako kay Sir Hunter."

Napaubo si Mr. Castillo. Si Sir Kier ay pinatay ang telepono niya at nag-focus sa akin ang tingin nito. Si Sir Sebasten ay napasandal sa kanyang upuan. Si Sir Bullet naman ay pumito.

Hunter glared at me. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Can you all leave us alone. I want to talk to her privately." utos ni Hunter.

Magkakasunod silang lumabas lahat. Narinig ko si Sir Kier na pinapahalalahanan si Hunter na ayusin ang gulo. I was hoping tutulungan ako ni Mr. Castillo pero ng dumaan ito sa may gilid ko ay bumulong itong "kakatayin ka na" at nagmamadaling nakisabay sa iba na lumabas. Hindi ko malaman kung kakampi ko ba siya or kalaban?

"ARE YOU FUCKING WITH ME?" Napatalon ako ng sumigaw siya pagkasara ng pinto. Para ng nag-echo pa yun dahil siguro sa laki ng opisina.

Inirapan ko siya. "Am I? Ang layo-layo ko sa'yo!"

Ginulo-gulo nito ang buhok niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinablot ako sa braso.

"Is everything to you a joke? Our company is facing troubles and dumagdag ka pa!"

"Aray, Hunter. Masakit!" reklamo ko.

Pabalya niya akong itinulak sa sofa. Mabilis kong hinimas yung braso kong namumula. Naglakad siya papunta sa mesa niya. May inilabas siya mula sa kanyang drawer, a checkbook.

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now