Chapter 4 - Belle in mission

38.3K 1K 62
                                    

Beauty

Dyusko baka one night stand ang hilingin ng matandang ito. Kaya nga ako nagpakulong dahil rin sa matanda eh. Mas may itsura nga lang itong nasa harapan ko ngayon.

"Ano po iyon?" kinakabahang tanong ko.

Sumandal siya sa upuan niya at matamang nakatingin sa akin. Tumawa ulit siya ng malakas. Naglolokohan na lang ata kami dito.

"Ah sir, may nakakatawa po ba sa tanong ko?" inosenteng tanong ko.

"Nakakatuwa ka. I like you." tatawa-twang sabi niya habang nakaturo sa akin ang isang daliri niya.

"Halla. Lagpas na po kayo sa age limit ng dream boy ko. Next life na lang po." tapat sa sabi ko.

Mas lalo pa siyang tumawa. Napakamot na lang ako sa ulo. Ibang pintuan ata napasukan ko. May tililing na ang matandang ito eh.

"Im happily married iha. I mean you're perfect for the job because I know you can tame the COO, na inaanak ko."

Napataas kilay ako. Nakatanga lang ako sa kanya na parang hindi ko naiintidihan ang sinasabi niya. Mukhang na-gets naman niya at napatikhim siya. Muling sumeryoso ang kanyang mukha.

"Make him want to live again, to find love, to enjoy life. That's the condition." dugtong niya. Inaanak niya pala. Nalaglag ang panga ko. "He is a lonely... a very lonely man, Beauty. He maybe laughing or smiling with his friends and family, but his eyes tells a different story. I want you to teach him that there's more to life. That he is capable to love again. That moving forward should be his only option."

"But why me?" I pointed to myself. "I also have tons of baggage, Mr. Castillo. You must be mistaken."

"I know ngayon pa lang tayo nagkakilala but believe it or not, I am a good judge of character. You're confident, ambitious, jolly, and full of positivity in life, Beauty."

Napangiwi ako. "Trust me, Sir, I'm not. To tell you the truth, I have an amnesia at hanggang ngayon diko pa nare-recover ang mga nawalang memories sa buhay ko. It is something that I shouldn't tell you because it is personal pero ayoko pong magsisi kayo sa bandang huli. I want to help you but I don't think I am the right person for the job." paliwanag ko. Nalulungkot naman ako para sa kanyang dahil mukhang nag-aalala talaga siya sa inaanak niya. "At tsaka, Sir, NBSB po ako kaya baka hindi ko magawa ang condition niyo."

Kumunot ang noo niya.

"NBSB?" tanong niya.

Tumango ako. "No boyfriend since birth. Forever alone. Ganon."

"How come?"

"Mas mahalaga ho ang kakainin ko sa araw-araw kaysa sa relasyon na yan."

"Our company gives a lot of benefits or priviledges to our employees. I'll compensate for your time. I will also help you find your memories."

I heaved a deep sighed. "it is indeed very tempting. hindi ko lang po kaya ang kondisyon. Paano po kung hindi ko magawa. Paano ko po ipapakita sa kanya kung paano magmahal muli kung ako mismo hindi ko pa naranasang magmahal at mahalin."

"Bakit hindi mo subukan? Malay mo sa kanya mo maranasan ang mga bagay-bagay na hinihiling mo. However, don't feel the need to love my inaanak, iha. You can always help him find someone. Just open him up to possibilities."

Napapakuyakoy na ko. Nakakasilaw ang mga offers niya. Kailangan ko ng pera para mabuhay, para mahanap ang mga nawalang ala-ala ko. Siya lang ang makakatulong sa akin. I stayed silent. I never doubt myself pero ngayon parang medyo hindi na ako sigurado sa sarili ko. Madami na akong napagdaanan sa buhay --- binenta, kinulong, nagtatago, nawalan ng ala-ala. i want a break. Maski maaari ay ayoko ng panibagong gulo. But what is life without obstacles, di ba?

"Bakit po ba siya naging ganun?"

"My daughter died at a really young age. Before that happened, he came to me and asked if he can take care of my daughter. I didn't understand what he actually meant because I was oblivious how close they were growing up. A few months before her death, he came to me again and told me that he will marry my daughter at the right time. I laughed because I knew it was just a young love. He was 10 years old, he haven't seen how big the world he live in. He looked serious that I just agreed. Until the tragedy happened, he came to me again and he promised me that he will only love my daughter. And he is still keeping that promise, Beauty."

Napa-hayyy na lang ako. Tragic.

"Me, my wife, and his sister tried to set him up on dates many times pero palagi siyang tumatanggi. Nilulunod niya ang kanyang sarili sa trabaho. He became successful alright, but he became lonelier as day passes by."

"Nakakawindang pala ang mga problema niyong mayayaman. Hindi talaga siya naka-move on?"

"It's been almost 15 years."

"seryoso?" tanong ko. Ang tagal ba namang makapagmove-on. Sinong hindi magugulat.

"Yes. Kaya ko ito ginagawa dahil nag-aalala na rin ako sa batang iyon. Lalo na ngayon at nagkasakit pa ang ama nila, kaya walang ibang tatayong ama sa kanilang magkakapatid kundi ako."

"Hanggang kailan ko po ito gagawin?" His face lit up because of my question.

"By the end of this year. He is planning to take over the company's office in China by the end of this year. I opposed the idea because I won't be able to oversee him. When he was in US, he lived with his sister so I have an eyes on him. If things go as planned, maaring hindi na siya umalis."

"Wala pong kasiguraduhan kung magtatagumpay ako by the end of this year. Baka magsisisi kayo."

"I can only hope. Pang-hahawakan ko iyon."

Huminga siya ng malalim at inilahad ang isang kamay niya sa akin para makipag-kamay. Nakipag-kamay na din ako.

"So paano po ba ang set up? Magiging secretary lang ba ako?"

"Yes. Diskarte mo na 'yun. But first, you need to be interviewed by him." sagot niya.

"Po? Eh paano po kapag hindi ako natanggap? Eh akala ko ba tanggap na ako?" ang gulo naman nito.

"Tanggap kana sa akin. Pero may final interview ka sa kanya. Dadaan ka sa legal na proseso iha para hindi siya makahalata. Ngayon kung hindi ka matatanggap, diskarte mo na kung paano ka magiging secretary niya."

Napakamot ako sa ulo.

Parang pinagsisihan ko na tinanggap ko ito.

"Eh paano po iyon kung hindi ako matanggap. Void na po ba ang deal natin?"

"You'll continue. Mas madali kasi kapag malapit ka lang sa kanya at iyon ay ang maging sekretarya niya."

"Lahat talaga gagawin niyo. Hahit anong irequest ko?" paniniguro ko. Mahirap kaya ng pinapagawa niya.

Tumango siya. "Anything. Dont worry I'll put up a contract para hindi ka madedehado sa deal natin."

"Kailan po ang interview ko sa kanya?"

"I already scheduled you for next week." nangingiting sabi niya. "Here is my calling card. Call me if you have further questions." sabay abot nung kapirasong papel. Hindi na akong nag-abalang tignan pa ito. Basta ko na lang isinilid iyon sa bulsa ko.

"Okay." wala sa sariling sabi ko sabay talikod sa kanya. Naglakad na ako paalis.

Tulala pa rin ako hanggang makalabas ako ng building na iyon. Napasabunot ako sa aking ulo. Para na nga akong baliw dito na bubulong-bulong.

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now