Chapter 13 - Here comes the Beast

14K 458 27
                                    

Hunter

I wake up with a throbbing head pain. Parang hinahati sa dalawa ang ulo ko. Walang linggo na hindi ako naglalasing --- maybe it will help me forget and move on from her memories. Kaya nga kinakamusta na lang ng mga magulang ko ay ang atay ko o kung buhay pa ako.

Hindi ko din maintindihan ang sarili kung bakit hanggang ngayon siya pa rin.

My mind wants to forget but my heart always remember her. My sister, River, once told me that I never really wanted to move on because I keep looking back. Yung sarili ko lang daw ang niloloko ko. At first I didn't know exactly what she meant. Pero kagabi nang subukang nakawin ang bracelet na bigay ni Ali sa akin noong 9th birthday ko ay doon ko napagtanto na tama si River. Nasa akin pa ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. I still do the things we used to do. I still go to our favourite ice cream parlor.

I sighed.

She was too young --- only six years old. Ni hindi pa nga 'nun alam kung ano ang crush. Pero ako of all the kids in my school, siya talaga ang nagustuhan ko.

She was smart and beautiful. Kahit mahiyain at hindi siya masyadong nagsasalita, she was a good listener. How can I not love her?

Sabi nga ni Kuya Kier baka puppy love lang iyon dahil masyado pa kaming bata o pagmamahal bilang kapatid ang naramdaman ko noon. Tinatanong ko na rin ang mga 'yon sa sarili ko. Natitiyak ko sa sarili ko na mahal ko talaga si Ali. Kung hindi ay madali ko siyang makakalimutan.

Minamasahe ko ang gilid ng noo ko baka sakaling mawala ang sakit. Habang ginagawa iyon ay kumunot ang aking noo nang mapagtantong iba ang centre table na nasa harapan ko. It's round and made with bamboo.

WTF?

Where am I?

I looked around and notice how the living room is tiny and right next to it is a four-seater round glass dining table.

This is definitely not my house.

Napatayo ako. Kasabay 'non ay ang pagsakit ulit ng ulo ko at pag-angat ng damit ko hanggang sa ilalim ng chest ko.

Napanganga ako nang makitang sobrang ikli ng damit ko na pula at parang pambabae pa ata.

Huhubarin ko na sana ito nang biglang may tumawa. Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang babae na tawa ng tawa habang tinuturo ako. May humahangos namang isa pang babae na galing sa second floor ng bahay.

"Ano ba Beth? Ano bang tinata---"

Nabitin ang sasabihin niya nang mapadako ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan kami.

Pumula ang buo niyang mukha at halatang pinipigilan niya ang tumawa. Ngunit hindi nito napigilan ang magkumento.

"Hala! kailan pa nagka-abs si winnie the pooh?"

Mas lalong lumakas ang tawa nung Beth. Yung isang babae naman ay pinagmamasdan ang buo kong katawan. She is wearing loose shirt na madaming butas at naka-jersey shorts na pang basketball. Her hair is all over her face. Mukha siyang pinaghalong babaeng grasa at gangster. However, she looks really familiar.

Nagsisikuan na sila ngayon. Yung beth ay hindi pa rin tumigil sa kakatawa at yung isa naman ay tumatawa na rin ng bahagya pero kapag napapatingin siya sa akin ay tumitigil ito.

Nag-init ang buong mukha ko sa galit. Are they insulting me?

"Fuck!" i hissed.

"Oy Beauty, fuck daw. Ano mauuna na ako? Ako na sa taas, sayo na ang baba," tatawa-tawang sabi nung Beth.

"Tumigil ka nga. beastmode na siya oh" sagot nung Beauty habang nginunguso ako. Umangat ang gilid ng labi ko. She is not that even pretty and yet her name is Beauty? Her parents must be drunk when they signed her birth certificate.

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now