Chapter 5 - Cup B-elle

37.9K 1K 82
                                    

Beauty

"Beth ang taas taas naman ng takong nito. dinaig ko pa ata si Lady Gaga nagmukha tuloy akong gaga." pagmamaktol ko. Lagpas three inches ba naman ang takong na ito. Parusa.

"Kasalanan ko bang pandak ka? At huwag ka nang magmukmok dyan at nang ma-late ka pa. pwede ba huwag ka masyadong malikot dahil magugusot ang attire mo."

Naka-pencil skirt kasi ako tapos tinernuhan ng pulang blusa na hapit sa dibdib ko. Para akong artista sa mga porn movies. Kunwari office girl ako. Nakakakilabot pala talaga yung mga pinapanood ng mga tambay sa kanto namin. Sa flat screen TV pa sila nanonood at kita pa iyon sa labas ng bahay nila. Matusukan sana ng ballpen yung putotoy nila para hindi na sila maglaganap ng kalaswaan.

Ano ba yan kung saan-saan na nakarating ang isipan ko.

At iyon nga ilang oras pa namin pinagtalunan ang isusuot ko at nang hindi kami makapagdesisyon ay nagbato-bato pick na lang kami. Yun nga lang talo ako. Sa kasamaang palad.

"So naalala mo pa ba yung mga tips ko sayo?"

"oo na. Sige alis na ako."

Pumalakpak ito.

"Okay. GO GO GO BRING HOME THE POGI,Beauty!" she cheered.Natawa ako. Baliw talaga. Bring home the pogi daw.

Ang aga aga ko pa man din nagising para hindi ako matrapik. Pero anong nangyari? Siksikan sa tren tapos pahirapan pa ang pagsakay sa jeep. Late na tuloy ako ng 10 minutes.

Kata heto ako ngayon hinahabol ang pagsara ng elevator ng Falcon Shipping Lines. Tinanggal ko na nga sapatos ko eh.

"WAITTTTTTTT....." sigaw ko kung sino man ang nasa loob ng elevator. Mabuti na lang at naharang ng dalawa kong braso ang pintuan bago pa ito tuluyang sumara.

"Hay salamat." i sighed in relief. Pinindot ko na ang 40th floor. Habang hinihintay ang pagtaas ng elevator ay isinuot ko na ang heels ko.

Muntik pa ako mawalan ng balanse ng may nagsalita sa bandang likuran ko. Napahawak tuloy ako sa may dingding.

"Who are you?" malamig at maawtoridad ang boses nito. Agad akong napalingon at sapatos niya ang una kong nakita. Nakayuko kasi ako nang lumingon dahil inaayos ko pa ang sapatos ko.

He is wearing a white converse shoes, loose khaki pants and white tee. Iyon lang ang suot niya pero nakakalaglag panty na.

Nang makatayo na ako ng diretso ay mukha niya ang tumambad sa akin. Nakasuot ito ng rayban kung hindi ako nagkakamali. Hindi ko tuloy makita kung ano ang itsura ng mga mata niya. Matangos ang ilong niya at yung labi niya ay manipis at medyo maputla. Tinutubuan na rin siya ng balbas pero sa tingin ko mas mas bagay iyon sa kanya. Tapos iyong buhok niya ay magulo na para bang kagigising lang at wala pang ligo. Ang hatol ko ay 9 out of 10. Siguro 10 kapag nakita ko na mga mata niya.

Kumunot ang noo ko nang parang namumukhaan ko siya.

Kilala ko siya eh.

Saan ko na nga ba siya nakita?

Mall?

Club?

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng magsalita ulit ito.

"Sino ka?"

"Hi. Im Beauty Alejandra Contreras,20, from the Land of Peace and Harmony... Tondo." pagpapakilala ko na parang nasa pageant lang. Tutal tiyak kong magtatrabaho na ako dito ay makikipagkaibigan na ako. Kahit hindi naman siya mukhang nagtatrabaho dito kasi puro naka-business suit yung mga empleyado dito.

"Beauty?"

"Yes. Obvious namn diba? Ang ganda ko eh, alam na agad ng parents ko ang kahihinatnan ng pagmumukha ko."

"Cup A." tipid ulit nitong sabi.

"Hah?"

"I said youre just a cup A so maybe youre not an employee here." walang kaabog-abog na sabi niya. Napakurap pa ako nang mapagtanto kong ang boobs ko ang cup A na tinutukoy niya.

At kailangan talaga malaki ang bulkang mayon para makapasok dito?

Pinameywangan ko siya. "EXCUSE ME? CUP B AKO NOH! CUP B. BASTOS!" nanggigil na sabi ko.

"Im just stating a fact." balewalang sabi niya ulit.

Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko siya. Binabalewala ko na ang 9 na rating ko.0.5 na lang siya ngayon. Sayang. Gwapo pa naman pero ang bastos at ang yabang pa. Ayokong masira nang tuluyan ang mood ko. Tinalikuran ko sya ng biglang bumukas ang pintuan ng elevator. Nasa first floor pa lang kami at ibig sabihin lang niyon ay hindi man lang kami gumalaw kanina?

Nagtatakang liningon ko siya.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inunahan na niya ako. "GET OUT!"

"Inuutusan mo ako? Ikaw ang lumabas hambog." sabay talikod sa kanya. Nang bigla niya akong itulak palabas. Napahawak ako sa may hamba ng pintuan.

Hindi ako pwedeng magpatalo. late na ako at ayoko nang mag-antay pa sa ibang elevator.

"Labas sabi." aniya.

"Ayaw."

"Labas." pilit pa rin niya akong tinutulak.

"A-YO-KO!" paninindigan ko ito.

Hinila niya ang tali ng buhok ko. Napaigtad ako na siyang dahilan para maitulak niya ako ng tuluyan palabas. Nagulat kasi ako sa ginawa niya.

Muntik pa akong madulas sa marble na tiles. Paglingon ko sa elevator ay sarado na ito.

Nanggigil ako sa bwisit na lumipat sa kabilang elevator na katabi lang ng pinanggalingan ko.

Narinig ko ang pagbubulungan ng mga nag-aantay doon. Sabay tingin sa kabuuan ko.

Inirapan ko sila at taas noong hinawi sila para ako ang mauna kapag nagbukas ang pintuan.

"Ay ano ba yan. Napaka -maldita naman pala. Buti sana kagandahan ang katawan. Wala namang dede." nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng baklang hipon na nasa gilid ko.

Bakit ba ang laki-laking isyu ang palakihan ng boobs sa kumpanyang ito.

Hinarap ko ito. "HINDI NA BALENG WALANG DEDE BASTA MAY PEPE." taas kilay kong sabi.

Oh edi natahimik ang baklang hitad na ito.Akala mo hah.

Nagsimula ulit silang magbulong-bulungan naririnig ko naman.

Hindi bale sanay na ako sa mga inggitera.

Palibhasa kasi GGSS.

Gandang Ganda Sila Saken.

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now