Chapter 28 - Belle meets the Falcon's

11.2K 383 64
                                    

Beauty

"Hoy, ang tagal mo nang hindi nagpapakita sa akin, loka!" sigaw ni Siri sa kabilang linya. Inilayo ko sa aking tainga ang aking cellphone at agad na ibinalik pagkatapos ng ilang segundo.

"Hindi pa naman ulit nagte-text sa akin si Sir Lucio. Nasa bakasyon ako, kaya pagbalik ko dadaan ako diyan para magpa-schedule ng gig," paliwanag ko. 

Hindi kasi ako nakapunta sa gig ko sana dahil nga nabugbog ako ni Tiya Marga. At tsaka minsanan lang naman talaga ang pasok ko doon lalo na ngayon na nag-aaral na ulit ako. Hindi ko rin naman masyado nagagamit yung pa-sweldo ni Mr. C. sa akin kaya may pera pa naman ako. 

"Nasaan ka ba?"

"Nasa isang isla. Sobrang ganda dito."

"Ay bongga! Mas maganda pa sa view ko sa Lounge?"

"Huh?"

"Yung view natin dito kapag may gig ka... yung mga boss natin."

"Ahhh... oo mas maganda pa dahil nandito yung dalawa nating Boss," kinikilig na wika ko.

"HAH! Sinetch itetch?" halata sa boses nito ang gulat. Hindi naman kasi niya alam na nakakasalamuha ko sa labas ng Lounge ang mga ibang boss namin.

"Waz! Sige na, andito na si jowa ko," pagdadahilan ko kasi tinatamad pa ako mag-kwento. Nasa labas ng casitas si Hunter, kausap nito si Oscar tungkol sa negosyo. Iniwanan ko siya doon dahil excited na ako makita ang loob ng kwarto namin.

"Shuta ka! May booking ka!?" pa-sigaw na tanong niya. Tinawanan ko lang siya at pinatayan ng tawag. Hindi ako titigilan niyon kapag sumagot pa ako ulit. Mas maganda mag-kwento kapag kaharap si Siri dahil madalas natatapos sa pisikalan ang halakhakan naming dalawa.

Isinilid ko ang aking cellphone sa bulsa ng denim shorts ko bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto namin ni Hunter. Tumambad sa akin ang malaking kwarto na kung saan tanaw ang kulay asul na dagat. Nai-imagine ko na ang magandang view ng sunset at sunrise mula dito. Ibinagsak ko ang aking katawan sa gitna ng kama. Napapikit ako habang dinadama ang kalambutan nito. Hinding-hindi ko mami-miss ang matigas at manipis na kutson ng kama ko sa Manila.

I heard footsteps near the door. I opened my eyes and I see Hunter putting down our luggages beside the foot of the king size bed.

"Come here, Baby. Let's practice your human rights!" pag-aaya ko while tapping the bed.

Natatawang lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pilit akong pinapatayo mula sa pagkakahiga. Nakasimangot na nagpatianod ako. Nang makatayo na ako ay siya ang umupo sa bed at sinensyasan ako na umupo sa kanyang kandungan. Imbes na simpleng upo lang na patagilid ay umupo ako ng paharap sa kanya at ipinulupot ang mga binti ko sa kanyang baywang. Then I wrapped my arms around his neck.

"So?" tanong ko, nangingiti. Akala ko kasi tatanggihan na naman niya ako. Naramdaman ko ang pag-haplos ng mainit niyang palad sa aking likuran. 

"We can practice our rights tonight, Baby," anas niya.

"How about a dry run right now... hmmm," I teased. 

Ngumisi siya. "As you wish."

Sinapo niya ang bandang pwetan ko at mabilis niya ako na inihiga sa kama upang magpalit kami ng pwesto. Nasa ibabaw ko siya ngayon kaya lalo kong ipinulupot ang aking binti sa kanyang baywang papalapit sa aking katawan. Jusko, nahawaan na ako ni Beth ng kalandian. And I like it!

"You're so beautiful," Napahagikgik ako nang amoy-amuyin niya ang sensitibong parte ng leeg ko.He was giving my sensitive neck a tiny kisses and it tickles.

Blackmailing the BeastUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum