Chapter 1 - Meet the Belle

70.8K 1.1K 22
                                    

Beauty

Ako si Beauty Alejandra Contreras. 

I'm 20 years old at hanggang second year college lang ang inabot ko. Ang mga magulang ko ay sina Leo at Marie Contreras. Pero hindi ko na nakilala si Nanay or lets say hindi na maalala ng utak ko.

I have an amnesia and it's been 14 years since the day I lost the memories of my 6 years of existence. Sabi ni tatay naaksidente daw kami ni Nanay at iyon ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Hindi na rin nakita ang bangkay niya dahil nasunog ang sinasakyan namin. Hindi ko naman alam kung paano ako nakaligtas dahil kasabay ng pagkamatay ni nanay ay ang pagkawala ng memorya ko.

When I was 9, inampon ni Tatay si Beth dahil namatay ang mga magulang nito na kaibigan ni Tatay. Nag-asawa ulit si tatay pagkaraan lang ng ilang taon at yun nga ay si Tiya Marga. Noong una, mabait pa siya sa amin ni Beth pero nagbago ito ng mamatay si Itay. 

Inangkin nito lahat ng mana na para sana samin ni Beth. Nalulong ito sa sugal kaya nabaon kami sa utang. Naglayas si Beth dahil gusto nitong makatapos sa pag-aaral at hindi niyon magagawa hangga't nasa poder kami ni Tiya Marga.  Gusto ko na ko nga rin sumunod agad kay Beth na maglayas. Kaya lang parang may pumipigil sakin para umalis. 

Hanggang isang araw, ibinenta ako ng madrasta ko sa club na yun nang hindi ko nalalaman.

Nasa tapat ako ng pintuan ng apartment ni Beth. Madaling araw na kasi nang makarating ako sa bahay niya. Malay ko bang traffic pa din pala sa ganitong oras. 

Bethel Dayrit ang buong pangalan niya at mas matanda lang ito ng isang taon sakin. I considered her as my bestfriend/sister not really by blood but we grew up together and treated each other as real sisters.

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay tumambad sakin ang mukha ni Beth at nakapikit pa ito.Binuksan lang nito an pintuan at tinalikuran ako para umupo sa sofa niya. Pumasok naman ako kaagad at tumayo sa harapan niya. Paroon at parito akong palakad-lakad sa harap niya. 

"Sinilip mo ba muna kung sino yung kumakatok? Paano na lang pala kung magnanakaw iyon at hindi ako," tanong ko habang nakahalukipkip.

She just rolled her eyes at me.

"Unang-una sinong tangang magnanakaw ang kakatok sa pintuan." 

Oo nga naman. Napanguso tuloy ako. 

"Pangalawa, what happened to you? Hinabol ka ba ng aso ni Mang Berto at nakapaa ka lang," dugtong ni Betty sabay kusot sa mata at hikab. 

May malaking aso kasi yun isa sa baranay tanod na si Mang Berto na nakatira sa may kanto. Minsan kasi nakakawala yun sa kulungan.

I sighed.

"Eh ang layo-layo ba naman ng lalakarin ko mula sa babaan ng jeep. Kita mo itong tatlong pulgadang takong na ito," sabi ko sabay pakita sa kanya ng medyo pudpud nang takong ng sandals na ipinasuot sakin sa club. "Ano nang gagawin ko ngayon Beth?" problemadong tanong ko dito.

"Edi matulog na tayo, ano pa nga ba?" balewalang sagot nito.

Napatampal tuloy ako sa noo ko. 

"Youre not helping..."

"Care to explain what happened first before you asks random questions?" tanong nito. "And will you stop walking back and forth. Para ka nang pendulum diyan. Dahil isang balik mo pa ng lakad makakatulog na ko," madramang sabi nito.

Napatigil naman ako sa paglalakad at tumabi ako sa kanya sa sofa. Kinuwento ko lahat ng nanyari magmula sa pagbenta sakin ni Tiya hangang sa pagkakakulong ko.

"WHAAT??? Bakit hindi ako ang tinawagan mo? No wonder ganyan ang suot mo," pasigaw nitong sabi.

"Sa sobrang taranta ko hindi na kita natawagan at tsaka ayaw kitang madamay pa. Okay na ako," sabi ko

"Sinabi ko na sayo noon na umalis kana sa bahay ng witch na yun," sermon niya.

"Beth, I think someone or something is pulling me back to that house maybe because of my amnesia. Baka andun yung susi para maalala ko ang lahat."

I heard her sighed. 

"Beauty, its been 14 years... huwag mong pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat. Siguro may dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin maalala. But for now, you need to move on," sabi nito sabay yakap sakin.

Hindi ko na rin napigilan mapahikbi at tuluyan na naglandas ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha.

"I just cant help it. Parang may kulang sa pagkatao ko," sabi ko sabay punas sa luha ko nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

Hinawakan niya ang mga palad ko. 

"Sa oras na may kahit konting naaaninag ka na sa mga ala-ala mo, tutulungan kita. Mahirap maghanap ng hindi naman natin alam kung ano o kung sino ang hahanapin natin. Buti pa yung mga SOCO may clues sila, eh tayo wala ni isa. Kahit na naguguluhan ako sa sinabi mo na may gusto kang hanapin, gayong si Nanay lang naman ang alam natin na nawala sa ala-ala mo." malumanay na paliwanag niya.

Pati nga ako nagtataka sa sarili ko. May gusto akong hanapin o maalala pero natitiyak kong hindi si Nanay yun.

"Tigilan na nga natin ito, nagda-drama pa tayo eh madaling araw na," pabiro niyang sabi. 

"So what are your plans now? And don't you dare say that you're going back to that witch," dugtong nito.

"Hell, I'not. Maghahanap siguro ako ng trabaho?" 

Hindi na muna siguro ako uuwi sa bahay dahil sigurado akong hahanapin ako dun ng mga bumili sakin. Hindi ko pa naman sigurado kung nakalaya o nakakulong pa rin ang mga may-ari nung club.

"Hindi ka na ba nagtatrabaho sa Lounge?" tanong niya.

"Substitute lang naman ako dun pag absent yung singer. Kaya minsan lang din nila ako tawagan," sabi ko.

Kumakanta kasi ako sa isa sa mga sikat na Lounge sa Taguig. Kaya lang minsanan iyon kaya kailangan ko pa din ng trabaho.

"Titignan ko kung bakante pa yung posisyon na sinasabi ng kaibigan ko."

"Really? Thank you."sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Hep.. hindi ko pa sigurado. Mahigpit kasi yung Boss nila doon. Maghanap ka muna sa iba para kung sakaling walang bakante samin."

"Sino ba ang boss nila?" tanong ko

"Hindi ko alam eh... hindi ko pa nakikita." sabi niya. "Hindi daw talaga kasi masyado nagpapakita sa media iyon at palagi na nasa business trip. Pero ang tsismis, gwapo daw pero-"

Pinutol ko ang sinasabi niya, "pero medyo bastos. Ganon?" natatawang sabi ko

Sinamaan ako ng tingin nito. 

"pero medyo suplado. At tsaka iyong kapatid nung Boss talaga ang gusto kong makita.Twenty four years old pa lang daw yun at galing sa America. Na-feature na yun sa last year issue ng Bachelor eh sayang di ako nakabili."

"Masyado naman ata na bata?" takang tanong ko.

"Well, bata din naman yung mas matandang kapatid niyon. Ganun talaga kapag mayaman. Bumalik lang daw dito sa pinas iyon para tulungan yung kapatid niya. Kasi inatake sa puso yung tatay nila." paliwanag nito.

"Ahhhhh....Sigurado ka bang trabaho ang inaaplyan mo doon or para makasagap ng tsismis." nakangisi kong sabi.

Tumayo na ito sa pagkakaupo. "Ulol. Tara na nga at matulog dahil maaga pa ako bukas." 

Iniwanan ako at nagpunta na sa kanyang kwarto.

"Tignan mo yun. Interesado pa naman ako sa mga tsismis niya."

Tumayo na din ako at tinungo ang kwarto ko. Dalawa ang kwarto ng apartment ni Beth dahil para daw kapag nagbago ang isip ko at tuluyan nang iwan ang madrasta namin.

Naligo ako at nagpalit ng pantulog. Nang makahiga na ako sa kama ko ay hindi naman ako dalawin ng antok. Hindi dahil sa mga pinag-usapan namin ni Beth kanina kungdi dahil sa bwisit na lalaking napagkamalan akong prosti.

Kinuyom ko ang mga kamao ko. Nakakagigil talaga. Akala mo kung sino.

xxxxxrevisedxxxxx

Please vote and comment. Thank you :)

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now