Chapter 3: Special Delivery

1.1K 55 11
                                    

BAEKHYUN


"Nakuha niyo ba?"

"Opo", kahit sa kaloob-looban namin hindi kami nakasunod. Discuss nang discuss tungkol sa Third World Literature pero mabilis siya sa pagsasalita. Nung una niyang tinanong kung nakuha ba namin mga tinuturo niys at sinabi naming hindi, biglang parang mangangain ng tao si Prof. Rosales at sinabing "This is college and everyone is expected to be prompt learners. So if anybody didn't get my lesson, the door is wide open for you to step out." Eh nagtanong pa siya kung nakuha namin. Kaya simula nun opo nlang kami nang opo.

Since wala naman akong ma-gets sa sinasabi niya, ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. May mga estudyanteng naglalaro lang, tambay sa mga benches, at pagtingin ko ulit sa loob ng classroom may humihikab, may patulog na at yung iba simpleng tulog na.

Matapos siyang mag-discuss, "Get 1/4 sheet of yellow paper. Number 1."

Ay shet.

Halos lahat kami ay nakabusangot na lumabas ng classroom. Pano ba naman 3 lang yung highest, over 20. Oh diba? Itaas ang bandera ng mga nga-nga tuwing may pasok!


"Imbyerna te! Kapag di mo makuha yung lesson, galit. Kapag nakuha, magdedemand ng explanation. Kapag mababa ang scores, galit din. Kapag mataas, kwekwestyunin kung ano ang natutunan. Ang gulo!" reklamo ko habang bumababa kami ng hagdan para sa next subject.

May isa kaming kaklase na patakbong bumaba ng hagdan at pagkarating niya sa baba, kinunan kami ng litrato ni Shannie at sinabing, "Alam mo Baekhyun, kung hindi ko lang alam na bakla ka pagkakamalan ko talaga kayo ni Shannie na mag-on."

"So switch kami ganun, on and off," pambabara ko. "Saka jowa agad? Di ba pwedeng muchacha ko lang siya?"

Saka patakbo akong umalis ng building habang hinahabol niya ako. "Bakla ka bumalik ka nga ditooo!" Lumingon ako at binelatan siya. Nang nahabol niya ako kinurot niya ako nang bongga sa tagiliran sabay yakap sa akin. "Uy te, chansing ka sa akin." sabi ko.


Nagkahiwalay kami ni Shannie sa panghapong subjects si magkaiba kami ng kinuhang cognate. Siya doon sa tribo ng mga Speech classes at ako naman sa Theater Arts. Yung iba sa TA majors kilala ko naman kasi dati ko na silang naging kaklase sa ibang non-major subjects ko.

"Baekhyun?"

Napalingon ako. Si Trinity pala. "Uy, Trian!"

"Talagang papanindigan mo yang Trian na yan ah," tumawa siya. Inusisa niya ako kasi hindi daw kami magkasama ni Shannie ngayon, sabi ko magkaiba kami ng kinuhang subject saka nag-joke akong ayoko sa mga clingy. Doon ko lang din nalaman na Theater major si girl at amaze na amaze ako sa kanila kasi every time nakakita ako ng stage plays, talagang napapalula nila ako sa galing nila sa acting.

May isang lalaking pumasok sa room na bago sa aming paningin at umupo sa huling row. Hindi naman ito pinansin ng iba kasi baka irregular o floating student siya. Di nagtagal pumasok ang isang kagalang-galang tingnan na lalaki, mukhang bagong professor ata.

Nilapag niya nang mabilis ang kanyang mga gamit at isa-isa kaming tinutukan. Medyo kinabahan ako kasi parang yung kaninang masayang atmosphere biglang sumeryoso.

"Get your form 5. Pass it to me." Mabilisan naman naming kinuha yung mga papel at pinasa agad sa kanya. Nag roll call siya at tinanong kung sino daw ang hindi tinawag. Nagtaas naman ng kamay yung lalaking umupo sa last row at tinanong siya kung bakit wala siyang form, ang sabi niya hindi pa napiprint.

"So kasalanan ko ba ngayon an hindi kita ieenroll sa subject ko kasi wala kang form 5?"

"Sir, hindi naman. Bukas po dadaan ako ulit sa adviser ko para kunin na siya."

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Where stories live. Discover now