Chapter 7: Extra

453 26 6
                                    


BAEKHYUN


"Sumagot ka! Dadalhin o iiwan?"

"......."

"Sige na malalate na kasi ako, anak. Tulungan mo naman si Daddy mo!"

Napasuklay nalang ako sa buhok habang tinitingnan ko galing sa parking lotang mga estudyanteng nagsisipasukan na sa loob ng gate. Nasa loob naman ng sasakyan si Vaughn at di ko alam kung dadalhin ko ba ito sa loob ng school o iiwan nalang muna dito. Pero parang mali naman ata kung iiwan ko lang ito dito, baka kidnapin pa at kunin ang kidney at ibenta. Jusko po!

"Aish. Halika na nga!" Kinarga ko siya palabas ng sasakyan at sinara ang pinto. Ramdam ko ang tingin ng mga estudyante sa akinna para bang ayaw nilang paniwalaan ang nakikita nila.

"So totoo pala?" tanong ng guard.

"Ay hindi, manika lang 'to kuya."

Pinakita ko agad ang I.D ko saka mabilis na naglakad palayo. Oo nalaman ito agad ng university namin. Wala naman akong sinisisi dahil alam ko namang malalaman at malalaman din ito, pero parang naging big deal ata ito sa department namin.

Sa hallway palang talagang napapatigil ang mga estudyante para lang tingnan ako. Di ko naman tinatangging sabihin na anak ko yung dala ko ngayon kapag may nagtatanong. Yung iba kunwaring nagugulat o kaya nahihimatay pa. Aba mga baklang yun sila ba ang nanganak?

Saktong papasok na ako ng room namin, lalabas naman si Shannie. "Baks."

"Sorry." Yun nalang nasabi ko. Napatingin siya sa bata saka hinimas ang ulo niya. "Akala ko joke lang yung sinabi mo, pero totoo pala." Pinisil-pisil niya ang pisngi ni Vaughn tapos napaiwas naman bigla yung bata na parang ayaw niya.

"Hala baks, ayaw daw niya sa pangit." Hinampas pa naman ako, tapos itong si Vaughn nabigla at parang naiiyak. Todo sorry naman itong si Shannie nang biglang may nag 'ehem' sa likod namin.

"Tabi, dadaan ang hari mga alipin." Natawa naman kami, si Sir Leo pala. Papasok na sana kami kaso pinatigil ako ni sir. "Mag-usap tayo."

"Ano na ang balak mo ngayon?" tanong ni sir.

"Anong 'anong balak' po?"

"Papasok ka araw-araw dala ang anak mo?"

"Wala pa po siyang bantay sa bahay eh."

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin, Baekhyun. Ang akin lang ay, baka makasagabal siya kapag araw-arawin mo. Di ko naman sinasabing iwan mo nalang sa bahay niyo at hanapan mo ng yaya. Alalahanin mong mahirap ang responsibilidad na dinadala mo ngayon, lalo na't estudyante ka palang."

Tumango ako. "Naiintindihan ko naman, sir." Pumasok siya sa loob at sinabing wala raw muna kaming pasok ngayon dahil may meeting raw  sila, pero binulungan niya ako na sumama daw muna sa faculty para pag-usapan yung naging sitwasyon ko.



"Kumain ka muna, anak." Sinusubuan ko si Vaughn pero ayaw talagang kumain, parang wala sa mood ata. "Hala anak, wag kang mag-inarte dahil walang karapatan pwede. Sunod na kapag malaki ka kaya ngayon, pakabusog ka muna ha?" pero sinaniban ata ang batang ito at ayaw talagang kumain. Chineck ko naman ang diapers, di naman umihi o nag-poopie (sosyal poopie talaga).

"Gusto na atang matulog ng anak mo."

"Trian! Ano ba yan. Uso kasing magparamdaman muna, diba?" Sumusulpot kasi bigla-bigla parang kabute.

"Sus kanina pa kaya ako dito, manhid ka lang. Kapal kasi ng balat." Sinimangutan ko nga. "Joke lang!" Kinuha niya si Vaughn sa baby carrier at hinele hanggang sa nakatulog na ito.

"Aba. Pwede ka bang mag-apply na yaya?"

"Che manahimik ka." Kinuha ko si Vaughn sa kanya at kinarga muna kasi wala siyang crib. Alangan naman dalhin ko sa school diba. Walang may umimik samin, pinapakiramdaman lang namin yung hangin sa garden sa likod ng school.

"Ano na ang sabi ng school?"

"Tungkol?"

"Sayo at sa anak mo."

Hmm. "Wala naman masydo, basta maging responsable lang ako sa ginawa ko." Humangin bigla nang malakas at saktong napatingin ako sa kanya. Nilipad naman itong buhok niya at ngumiti, sabay ginulo ang buhok ko at sinabing "Kaya mo yan, ikaw pa."

Napatigil ako saglit, di ko nahalatang nakaalis na pala siya basta narinig ko nalang na may pasok pa siya at yung 'bye' niya sa huli.

Ok, ano yun...?


Buti nalang napakiusapan ko si Sir Leo na sa kanya lang muna iwan si Vaughn dahil wala siyang klase sa hapon. May quiz kami sa isang literature subject namin at baka biglang mag-ingay yung bata eh lagot ako sa professor namin.

May konting announcements pang sinabi yung guro namin tapos napunta sa usapan ng mga events sa school. "Oh mga bata. Malapit na pala ang school fair, ano gagawin ng klase niyo?"

Naging kabilaan na ang ingay sa loob ng classroom tungkol sa mga balak gawin ng klase. Natapos lang ito nung sinabi ng guro namin na balitaan nalang daw namin siya sa mga dapat naming gawin. Agad naman akong lumabas para puntahan si Sir Leo sa faculty, tapos nadatnan kong pinagpyepyestahan ang anak ko ng ibang mga taga department namin. Nakita ko pa siyang may suot na bunny ears tapos tawa pa nang tawa. Patay tayo diyan.

Agad naman akong nakita ni sir. "Sorry di ko na napigilan yung ibang teachers. Sorry talaga Baekhyun!" yun nalang nasabi niya habang yung anak ko ayun, tuwang-tuwa habang nilalagyan pa ng cheek tint.



Nang makatulog na si Vaughn, hiniga ko na siya sa kama at naligo na ako. Habang nasa loob ng banyo di ko maiwasang maisip kung ano na ang gagawin ko sa susunod na mga araw, mga taon. Di ko naman inakalang isang araw na pagkagising ko, may Baekhyun the second na pala ako.

Kailangan kong magtino sa buhay, yun nalang ang tanging naisip kong gawin.

Lumabas na ako ng banyo at nagbihis, saka nahiga sa tabi ni Vaughn. Tiningnan ko siya at naisip ko bigla, paano kaya ano kung hindi ko siya anak? Pwede namang mapeke ang DNA diba.

Loko ka Baek, sarili mong anak itatanggi mo.

*Mommy calling*

"Oh?"

"Wow what a way to greet me."

"Aba ma, don't me. Ikaw kaya itong pinaalis lahat ng tao sa bahay at iniwan kami ng anak ko, no? Sige nga sino ang matutuwa niyan," pabalang kong sagot.

"Para ka matuto sa ginawa mo. Wag kang mag alala uuwi na diyan bukas sila Manang kaya wag ka na maghimutok diyan. Para kang ewan."

Nagpaalala lang siya ng mga bagay-bagay at kinumusta lang kami ng anak ko pagkatapos binaba na ang tawag. Basta huli kong iniisip nung gabing yun bago ako makatulog ay kung ano na ang mangyayari sa akin sa susunod na mga araw.


— —

Note: Sorry maiksi. Hehehe

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Where stories live. Discover now