Chapter 12: Dean and Five Fingers

342 23 8
                                    

BAEKHYUN

"Bawal ako please, iba nalang. Pwede? Huhuhu"

Nakarinig ako ng kalabog ng isang upuan.

"Sige na naman oh, maawa ka sa klase natin. Minsan lang naman ako humingi ng pabor sa'yo Miko. Gusto mo ba ng talent fee? Oh sige pero huwag lang masyadong mataas ang presyo ok?"

Nakarinig ulit ako ng kalabog ng isang upuan pero may kasama ng boses ng pagmamakaawa kay Miko. "Ay nako pres, kahit ilang libo pa ang ibigay mo di talaga ako pwede."

"Oo nga pala pres, bawal palang mapaos ang baby boy natin. Baka matahi ulit ang leeg niya," paalala nung isa.

"Ay grabe naman ang matahi," pahabol ni Miko. "Sorry talaga di ako pwede ngayong taon."

Nakaramdam ako ng pananahimik ng klase. Nang biglang may nag-play na isang kumakantang boses sa isang laptop. Teka....

"Ay sorry—omaygash paano ba hinaan ang volume nito—hala sandali—"

Tinanggal ko ang panyo sa mukha ko at nakita kong lahat sila nakatingin sa akin. "Baekhyun!" sabi ni pres habang nakaturo sa akin. "Ikaw ang maswerteng alay ngayong taon!"

Wait this is a total misunderstanding! Charot lang! "Hala! Teka sandali—omaygad"

♪ ♫ I didn't know that I was starving 'til I tasted you. Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo ♪ ♫

Ay pakshet yan nagp-play sa projector! Tiningnan ko nang masama si Shannie na nagkakandarapang patayin yung video pero mukhang nag-hang ata yung laptop niya—teka pano napunta sa kanya yung video ko?—pero di yun ngayon ang inaalala ko kundi si Jun, na hawak yung remote nang projector. Mga walanghiya!

Tiningnan ko si Jun. "Ah... hindi ko alam na video mo pala ang ipapakita ni Shannie. Inutusan lang ako na buksan ang projector."

"Hoy Jun sinungaling ka!"

♪ ♫ By the way, right away you do things to my body. I didn't know that I was starving 'til I tasted you ♪ ♫

Pumalakpak pa yung buong klase. Napa-irap ako nang todo sa nasaksihan ko saka bumalik ako ng tulog sa desk at hindi ko pinapansin yung pagkuyog ng iba kong kaklase.

Hindi ko 'to mapapalampas mga kupal! Wait for my revenge!

*

"Oh mga inalay ng kanilang mga klase, kaya pa ba isang round?"

"Break muna, namamanhid na kamay ko."And we called for a break.

Hi, kami nga pala ang mga malas na taong naging taga-salba ng department namin para sa darating na university fair. At wala kayong pake kung mga alay kami, kasi maski kami nawalan na ng pake sa buhay. Dejoke lang. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko.

Umupo ako sa sahig sa sulok ng studio at uminon ng tubig. Halos isang oras rin yung ginawa naming arrangment ng kanta at 2 oras na walang humpay na practice yung ginagawa namin. Feeling ko nga naka-auto replay na yung kanta sa untak ko, yung tipong kahit matulog ako yun pa rin ang maririnig ko. Oo, di na ako nakatanggi nung napili akong alay na magrerepresenta ng klase namin para sa fair. Ginamit pa nilang dahilan yung dagdag grade para lang um-oo ako.

Nakita ko ring pagod na yung iba kong kasama. Lecheswhiz naman kasi sino ba nag-volunteer na mag-live band kaming mga mokong OTL baka sumikat ako kapag magpatuloy ito *cue evil laugh* *sinampal ang sarili ng katotohanan* *wag maging selfish sabi ni Mama* *bakit puro asterisk ang nasa isip ko* Ok tama na Baek, medyo OA na.

Tumayo ako at nangunat. Saka naglakad ako papunta sa mic. "Mic test, mic test. Oh mga kaibigan buhay pa ba tayo diyan?" tumawa sila. "Ba't kayo tumawa? Wala ba akong maririning na palakpakan diyan?" tapos nagpalakpakan sila. Bumaba ako sa maliit na stage sa studio. "Joke lang yun, para na kasi kayong mga zombie mga frendz," at nagtawanan sila. Nagre-request sila na kumanta ako pero tumanggi ako kasi namamaos na rin ako.

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Where stories live. Discover now