Chapter 5: Vaughn Kimzen

546 40 21
                                    

BAEKHYUN


Nagpapabalik-balik ako ng tingin sa bata at sa kapirasong papel na hawak ko. Nakaka-shock kasi na nakaka-ewan like seryoso ba talaga ito?!

"Baekhyun, will you please sit down nakakahilo ka!" sigaw ni Mama.

Nakaupo si Mama sa sofa habang nasa tabi niya yung isa naming katulong habang karga-karga yung bata. Tiningnan ko siya at pinanliitan ng mata. "Ma, minanipula mo ang mga resulta ano?!"

Mom rolled her eyes. "Parang ang tanga mo lang." Kinuha ni mama yung baby at siya naman yung kumarga.

"Because... because how come?!" Namamaso na ang mukha ko. Gulong-gulo na talaga ako. Nilapitan ko ang bata habang karga ni Mama. "Ikaw bata ka, paano kita naging anak? Sabi sa resulta match na match tayo?"

Tumawa lang yung bata. Naiimbyerna ako wala akong mahanap na sagot.

"Kung hindi ka lang cute, alam mo kanina pa kita tinapon."

The baby slapped me! No, mom used the baby's hand to slap me at sinermonan niya ako. But hindi ako masyadong nakikinig sa mga pinagsasasabi ni Mama kasi mas iniisip ko kung ano ang gagawin ko kapag malaman ng mga tao sa school na naging instant mother ako.

"Nakikinig ka ba? Kanina pa nagriring yung cellphone mo!"

*Shannie calling*

Aw shet. Naalala ko yung linya niyang "karmahin sana yang sperm mo!"  Lintek ang bilis naman ng karma niya.

"Oh bakit, baks?"

"Oy nasaan ka na? On the way ka na ba?"

"Nasa bahay palang, bakit?"

"Good. Pahiram pala ng libro sa theories—"

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang umiyak yung bata. Nataranta ako at sinenyasan si Mama na patahimikin yung bata pero nataranta din siya kaya lumakas yung iyak ng bata.

"—ano yun, baks?"

"Ha? Anong ano?" tinakpan ko ang bibig ng bata at sinampal ni Mama yung kamay ko. Pinandilatan pa ako at sinabing "What the hell?!"

"Bakit may parang iyak ng bata?"

Shet di talaga tumatahan yung bata jeskelerd! Kulang nalang talaga kunin ko yung tissue at isalampak sa baba niya, as in. Sinabi ko nalang kay Shannie na anak yun ng bagong katulong namin. Mukhang nakalusot naman kaya sabi ko nalang na kukunin ko lang yung libro ko at aalis na ako, at binaba ko na yung tawag.

Hindi pa talaga tumatahimik yung bata kaya kinarga ko yung siya habang hinahagod-hagod yung likod. "Sssh, tahan na." Maya-maya humupa na yung iyak niya. Dinama ko yung bata, ang lambot ng mga kamay niya tapos parang mainit kapag yakapin. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Nakarinig ako ng konting tawa kay Mama. Tiningnan ko siya pero mas tinawanan lang niya ako. "Ano yung nakakatawa, Ma?"

"Ah, sir... umihi po yung bata."

Pakshet kaya naman pala mainit!



Kinakabahan ako habang naglalakad sa hallway ng department namin kasi baka makita ko si Shannie at i-open niya yung topic tungkol sa nangyari kanina. Well kaya ko namang itanggi pero makilatis masyado yung babaeng yun kaya wala akong takas sa kanya.

"Weh? Totoo?"

"Oo nga! Nakita ko kasi kanina na sumugod yung babae dito tapos pinagsisigawan siya!"

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum