Chapter 9.2: Happy Family DAW (Part 2)

297 25 8
                                    

BAEKHYUN


Buong araw pinagtatalunan namin ni Trian yung nakaka-lecheng picture na yun. Kapag naalala ko yun nasstress ako nang husto.

"Ano bang ikinabi-bitter mo sa picture na 'to?" tapos sobrang nilapit pa niya talaga yung litrato sa mukha ko. Tinabig ko.

"Hindi ako bulag beh."

"Oh eh ba't kulang nalang mag-apoy yang mga mata mo at sunugin itong litratong ito tuwing nakikita mo?" tapos paulit-ulit niya talagang nilalapit sa mukha ko.

"Ilayo mo nga yan. Allergic ako sa mga pangit ok?!"

Napa-WOW siya. Yung prolonged at yung pinaka-OA na 'wow', yun ang reaksyon niya. "Hoy Mister Montederamos, kala mo kung sino kang hindi pangit! Makapagsalita ka! Sana hindi magmana sa'yo yang si Vaughn!" at kung ano-ano pang sinabi niya. Dinamay pa yung buong angkan namin sa usapan!

Dahil walang patutunguhan yung pag-aaway namin ni Trian, napag-isipan namin na maghiwalay muna ng landas, chos. Siya nagbalak mag-window shopping at ako naman sa grocery para mamili ng supply ng pagkain namin sa bahay. Makaraan ang halos isang oras sa pilahan, lumabas na ako ng mall at pumunta agad ng parking area. Si Vaughn? Masarap ang tulog. Si Trian? Mga sampung beses ko pang paulit-ulit na tinawagan yung bruha bago sagutin yung tawag ko. Imbyerna ang ate niyo.


"Ako na kakarga kay Vaughn."

"Wow biglang bumait ah."

Binelatan niya lang ako tapos binuksan yung pintuan sa backseat. "Hala so driver ang ganap ko dito?"

"Mas maluwag ang upuan sa likod."

Di na ako nakipagtalo. Bahala siya kung ano gusto niya. Habang pauwi kami nilalaro-laro niya si Vaughn. Minsan kinakantahan niya pa. Gusto ko sanang barahin kasi hindi naman ako kinikibo kaya di ko nalang kinausap.

"Ay tae." Malapit na kami sa bahay at noon ko lang napagtanto na kasama pala namin si Trian. "Trian saan pala bahay niyo?" Hindi ako kinibo. "Trian kanina pa kita tinata—nong..." Nakatulog pala siya, pati si Vaughn habang kandong pa niya. Napatawa ako saglit, paano ba naman eh naka-nganga siyang tulog tapos may kaunting laway pang nakalabas sa bibig niya. Ibang klaseng babae.

Huminto muna ako at pinarada ang sasakyan sa Seven Eleven. Paulit-ulit ko siyang tiningnan kung pwede na bang gisingin o hindi. Baka kasi kung gisingin ko eh magwala. Kung hindi naman... teka wala siyang choice kailangan niyang gumising para makauwi.

Inurong ko yung upuan at dahan-dahang pumunta ng backseat. Sumandal muna ako saglit at tiningnan si Trian. Bumaling bigla ang ulo niya, so bale magkaharap kami at close-up talaga yung laway niya. HAHAHA ang epic niya talagang matulog! Dinukot ko yung tissue sa bulsa ko at pinahid yung laway niya.

"Hay nako naman. Para ka talagang bata," tapos biglang dumilat yung mga mata niya at nagkatinginan kami. Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa mukha niya tapos tumingin ulit siya sa akin. "Ah... ano...." bumitiw agad ako at umiwas ng tingin. "May laway kasi."

Napaayos siya bigla ng upo at saka nagpahid ng mukha. "Uy dahan-dahan lang, tulog yung bata." Mukhang nabalik na siya sa huwisyo niya. "Saan ba bahay niyo?"

"Huh? Ba't mo natanong?"

"Gaga. Ihahatid na kita. Gabi na oh." Napatingin siya sa labas ng bintana at napa-'ay hala na'. Kinarga niya si Vaughn at binigay sa akin saka binuksan yung pintuan ng sasakyan. "Oy teka teka, saan ka pupunta?!"

"Uuwi na. Salamat para sa araw na ito."

"Ay ganun lang?"

"Gusto mong lumuhod pa ako para magpasalamat? O bayaran yung ginastos mo para sa akin?"

"Hmm.. ok rin yung bayaran mo ako." Pinanliitan niya ako ng mata. "Pero sandali nga. Sure kang kaya mong mag-isa? Hatid na kasi kita, nahiya ka pa.

Lumabas siya ng sasakyan. "Ok lang, salamat talaga. Walang halong pagka-sarkastiko yan ah. Sige mauna na ako," tapos naglakad na siya palayo.

"Babae! Text mo ako pag nakauwi ka na sa inyo! Mag-ingat ang mga tao sa'yo!" pahabol kong sabi. Nilingon niya ako at binelatan lang. Ay wow.


Pagkarating ng bahay, nagluto agad ako ng hapunan habang pinapakain si Vaughn. Hindi naman ako nahirapang patulugin siya kasi ewan ko ba sa batang ito ang hilig matulog nitong mga nakraang araw. Inakyat ko na siya sa kwarto at pinahiga. Sa kwarto ko na rin ako kumain para mabantayan siya.

Pagkatapos maglinis at maligo, umupo muna ako sa study table at nagbuklat ng notes. Naalala ko kasing may quiz kami kinabukasan, hays. Mga isang oras rin ako nun nagbasa at pagkatapos naisipan ko ng magpahinga.

Bigla kong naisip si Trian. Kinuha ko yung phone at dinial yung number niya. Makaraan ang tatlong ring, sinagot na niya yung tawag.

"Oh?"

"Ang galag naman. Nakauwi ka na?"

"Ah. Oo, kanina pa." Nakahinga naman ako nang maluwag. Anubayan, di man lang nagtext na nakauwi na pala. "Nakalimutan kong itext ka hehe sorry." Tsk. "Sige, bye—"

"Sandali lang."

"Ano?"

Teka, ano pa ang sasabihin ko? "Ah...."

"Huy ano na may pasok pa bukas."

'Sa susunod kasi magtext ka kung buhay ka pa o hindi. Ayokong maging responsable sayong babae ka.' Yan sana yung gusto kong sabihin pero "Ang pangit mo talaga, tulo-laway pa."

Naginig ko pa yung 'shet ka talaga' bago niya ako babaan ng tawag. Nilapag ko yung cellphone ko sa lamesa at naisipang linisin yung bag ni Vaughn. Tinapon ko yung nagamit na diaper at kinuha yung mga tsupon at bimpo. Binitbit ko yung bag sa banyo para ibabad nang biglang may nahulog na litrato. Yung litrato naming tatlo sa studio.

Dinampot ko yung litrato at tiningnan itong maigi. Ang cute, parang isang buong pamilya kami.

Napangiti ako. At biglang sumagi sa isip ko... 

Ano kaya kung hanapin ko na yung ina ni Vaughn?

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon