Chapter 17: Triggered thoughts

417 22 17
                                    

Nang tumunog ang school bell na hudyat ng recess time, nagsimulang mag-ingay ang mga estudyante sa loob ng silid, minamadali na ng guro nila na tapusin ang klase niya dahil kitang-kita sa mga bata na gusto na nilang kumain ar maglaro ng mga oras na yun.

Sa oras na binanggit ng homeroom teacher nila ang 'class dismissed', nagsitayuan na lahat at kanya-kanyang kuha ng baon sa bag at lumabas ng room para bumili ng pagkain. Ngunit may isang matira sa loob at nakaupo lang habang sinusulat niya muli ang kanyang mga assignment sa isa pang notebook.

"Jun, are you not going to eat?"

"Not yet teacher, after I finish writing my assignment I will buy food." Sagot naman ng isang batang halatang sobrang tahimik sa klase. "Oh wait teacher, I have a question. When will the new student arrive?"

"Oh. He is already here. He is at the principal's office right now."

"Ok, thank you" magalang niyang sabi.

Samantalang sa labas ng classroom nila may isang nangingibabaw dahil sa tangkad niya at pinapalibutan ng mga kaklase niyang lalaki habang iponapakita ang bagong biling laruan niya.

"This is the latest Ferrari toy car," sabing batang matangkad at isa-isang humawak ang kanyang mga kalaro sa kanyang laruan. Maya-maya naglabas ulit siya ng dalawang toy figurine galing sa kanyang maliit na sling bag at mas namangha ang kanyang mga kaklase sa kanya.

"Woah! Optimus Prime and Bumble Bee!" Can I borrow?" Nung tumango yung bata, agad na kinuha ito ng kalaro niya at pinalipad-lipad sa ere, samantalang pinaandar sa sahig yung laruang Ferrari niya at pinahiram niya pa yung isang laruan niya sa bata.

Saktong nasa pintuan si Jun ng mga sandaling yun at nasaksihan niya yung mga pangyayari. Nakita niya si Yuno na sayang-saya habang nakikipaglaro sa mga bata. "Wow." Sarkastikong sabi ni Jun at lumabas na ng room para bumili ng pagkain pero hinabol siya ni Yuno.

"Bibili ka na naman ng cinnamon ano." Tumango si Jun.

"Ikaw ba..." napaisip saglit si Jun kung ipagpapatuloy niya ba yung sasabihin niya. "Ok lang ba sayo na pinapahiram yung mga laruan mo? They're new."

"Oh marami naman yun sa bahay kaya ok lang. Gusto mo rin ba? May transformers ako dun, different toy cars, Justice League figurines at... oh may paparating na drone mamaya—"

Nagtakip ng tenga si Jun at mabilis na naglakad. Hindi alam ni Jun kung sadyang mahilig lang magmalaki si Yuno o sadyang mabait lang talaga siya, isang kinaiinisang ugali niya kay Yuno. Hindi na niya pinansin ang sinasabi ng kaibigan nang nakabili na ng paborito niyang cinnamon sa canteen nila. Saktong nag-iisa nalang ito at sa kanya pa napunta kaya tuwang-tuwa si Jun habang patuloy pa rin sa pagtalak si Yuno pabalik ng room nila nang biglang napatigil sila sa paglalakad at nakita ni Jun kung papaano mag slow-mo pababa ng sahig yung paborito niyang cinnamon.

Nang mga sandali ring yun hindi alam ang magiging reaksyon ng cute na batang Jake ang bagpack at may hoodie pang katulad ni Finn sa Adventure Time na nakabunggo kay Jun dahil sa talim ng tingin na binibigay ni Yuno sa kanya. Napa-atras siya nung humakbang si Yuno sa kanya, nagulat siguro dahil sa tangkad at angas ng tingin ng bata.

"S-sorry. I did not mean to do it. I'll buy you another bread nalang," sabi nung bata sabay baba ng bag sa sahig at binuksan ito at kinuha yung wallet niya.

Ang conyo.

Tiningnan siya ni Jun. Siya siguro yung sinasabing transferee sa amin, sabi niya. Pero si Yuno, feeling protector ni Jun nang mga sandaling iyon, biglang inagaw yung wallet ng bata.

"Wait you're bullying me!" sigaw nung bata.

"Yuno ibalik mo na. Mapapagalitan na tayo ni teacher Anne kasi matatapos na ang recess natin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Where stories live. Discover now