Chapter 4: Baekhyun's baby

678 40 16
                                    

BAEKHYUN


Matagal ko nang hindi nakikita ang matayog na puting pader sa harapan ko. Nostalgic, ika nga. Higit isang taon na ang dumaan at marami rin akong na-miss na mga pangyayari sa loob ng pader na ito. Pero ngayon, higit na mas nangingibabaw ang kaba kaysa sa kasiyahan ngayong tumapak ulit ako sa pamamahay namin.

Nag-doorbell ako at pinagbuksan ako ng katulong namin. Nagulat pati yung katulong namin na nakita niya ako ulit. "S-sir!"

"Gulat ka no na bumalik na ako? Ok lang yan, mas gulat ako," pagjojoke ko pero sa totoo lang namamawis na ako kasi hindi ko alam kung paano haharapin si Papa ngayon at gayong may naunang package ang dumating dito sa bahay.

Nauna si Mama na pumasok ng bahay. Walang nagbago, hindi pa rin nagalaw ang mga gamit sa loob. Parang hindi ako namalagi ng ilag taon sa bahay na to, parang lahat bago. Pero hindi ito ang pinagtuunan ko ng pansin, yung iyak ng baby na naririnig ko!

Shit, totoo ngang may nagpadala ng baby sa bahay.

Pinaupo ako ng katulong sa sofa at binigyan ako ng juice. Hindi ako halos makahinga kasi palakas nang palakas yung iyak ng bata. Maya-maya naririnig ko na ang boses ni Papa na sumisigaw galing second floor at parang pinapakalma siya ni Mama. Mahigit isang taon ko nang hindi naririnig yung ganung klaseng sigaw ni Papa, natakot ako kaya gusto ko nang umalis huhuhu somebody help me.

Tumayo ako at nagdesisyon nang aalis na talaga ako at hawak ko na ang doorknob nang biglang may sumigaw. "BAEKHYUN MONTEDERAMOS! TRY STEPPING OUT FROM THAT DOOR OR ELSE I'LL SHOOT YOU RIGHT NOW!"

That was my father's shout straight from the hell. Hindi ko matitiis ito kaya sinubukan kong pihitin yung doorknob at biglang may matalim na maliit na pana ang tumama ilang sentimetro lang ang agwat galing sa kamay ko! Tinototoo niya talaga!

Dinig ko yung tunog ng kanyang sapatos na bumababa ng hagdan at ramdam kong malapit na siya. Takte bakit feeling ko nasa isang horror story ako. "FACE ME." Mahigpit niyang utos.

Huminga ako nang malalim. At pagharap ko, imbis na mukha niya ang makita ko isang malakas na suntok ang bumungad sa akin.

"ALBERT!" Tumama pa ang ulo ko sa pinto at bumagsak agad. Si Mama nagpanic at inutusan naman niya agad yung mga katulong na tulungan akong itayo at kumuha ng first aid kit para sa sugat ko.

Nakakahilo yung suntok pero nakatayo pa rin naman ako. Tiningnan ko si Papa, ganun pa rin ang mukha niya simula nang malaman niyang bakla ako. Akmang sasampalin pa niya ata ako nang humarang si Mama sa harapan at pinigilan si Papa. "Albert please! Tama na! Baekhyun had enough!"

"Pambungad ko palang iyon sa kanya, Elaine. And don't say that your gay son had enough!" Lumingon siya sa akin. "Hindi pa ba sapat na ipinahiya mo ang angkan natin, ha?! Tapos ngayon magdadala ka ng isang basura dito sa pamamahay natin?!"

Sinampal siya ni Mama. "How dare you speak to your grandson like that!"

"Grandson? Wala akong bastardong apo!"

"Teka nga Pa, tanggap ko kung hindi niyo kailanman matatanggap pero huwag niyo naman sana idamay yung bata dahil wala siyang kasalanan!" For the first time I had the courage to speak up against my dad. "Hindi pa nga sigurado kung anak ko yung batang yun eh!"

"Fine, Ipapa-DNA ko yung batang iyon. At sa oras na malaman kong nag-match kayo—"

"Ano? Ipapatapon niyo yung batang walang kamuang-muang? Ha?! Ganyan ka ba kawalang-awa, Pa?!" Pak, ganern. Dapat ganyan ka-beastmode para feels.

Nanahimik si Papa. Medyo kumalma siya pero bakas pa rin sa mukha niya yung galit at poot niya sa akin. "I've had enough today. I'm taking a rest," saka siya umalis at umakyat na sa kwarto nila ni Mama.

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Where stories live. Discover now