Chapter 11: Horoscope

332 23 3
                                    

BAEKHYUN

"Imagism.. Angry young men... analysis... Woolf... paperworks... 21st century... hay nako! Kailan ba matatapos ang sem na ito?!" at sunod na bumagsak ang ulo niya sa mesa kasabay ang tunog na 'blag' nito.

"Hinay-hinay lang, baka maalog yang utak mo at malaglag lahat ng binabasa mo," sabi ko kay Shannie na ngayon ay nakabusangot. "Chill ka lang beh, mami-miss mo rin ang mga araw na ito sa oras na grumaduate ka."

"Nakaka-stress tingnan ang syllabus." Nagtaklob siya ng libro sa mukha at di na nagsalita. Narinig ko nalang yung malalim niyang buntong-hininga. Napabuntong-hininga na rin ako sabay tingin sa may bintana.

Naputol yung katahimikan ko nang nakaramdam ako ng medyo malakas na palo sa likod ko. "Uy pre. Kumusta na si Vaughn?"

Hayop, ang sakit nun ah. "Maka-pre ka, close tayo?"

Umupo siya sa desk ko at niyakap ako. "Oh eto close na tayo," sabay hagikhik. Tinulak ko si Jun at umarte naman siyang masakit yung pagkakatulak ko sa kanya. "Grabe siya oh. Ano kumusta na."

"Ok lang siya." Napabuntong-hininga ulit ako.

"Pwede ko ba siyang dalawin minsan? Nakakamiss kasi yung batang yun."

"Wow kailan pa kayo naging close ng anak ko?" Tumawa lang siya. "Alam mo naman kung saan kami hahanapin, basta magdala ka ng pagkain ha."

Nag-salute siya at sinabing 'aye aye, captain' at lumabas ng room para kumain siguro. Inalog-alog ko si Shannie para ayain sanang kumain pero mukhang nakatulog ata ang ateng. At kung nagtatanong kayo kung bakit hindi ko dala si Vaughn, bumalik na ulit sina Manang sa bahay. Kinabahan pa ako nun kasi pagkagising ko, nakita ko si Papa sa sala at naka-upo pa sa sofa *cue horror* at akala ko sa kanya ko maiiwan ang anak ko jusmiyo.

"Wala ka pong pasok?"

"Day-off."

Nagtaka pa ako nun, anong day-off ang pinagsasabi niya eh lunes na lunes? Noon una nga halos hindi siya umuuwi sa bahay, tapos biglang isang araw day-off? Sa lunes? Ano bang kalendaryo ang sinusunod ng ama ko?

Nakabihis na ako nun at ready nang pumasok sa school habang bitbit si Vaughn. Lalabas na sana ako ng pintuan nang bigla siyang, "So you'll bring him again to your school? Aren't you causing too much nuisance in there?"

Di muna ako nakasagot. "Kaysa naman po iwan ko siya dito at madistorbo pa kayo."

"Wala ka na bang nakikitang ibang paraan?" So sinasabi niyang hindi ako pumasok para mabantayan lang ang anak ko?

Liningon ko siya at nagkatinginan kami sa mata. Parang napupuno ako ng galit na may halong pagkadismaya sa sarili ng mga sandaling iyon. Nabalik nalang ako sa pag-iisip nang biglang may nag-doorbell. Nakabalik na pala sina Manang.

Binilin ko na si Vaughn sa kanila. Bago ako umalis ng bahay, nagpahabol pa siya.

"Grow up."

*

Halos walang maayos na pasok ang buong university ngayon dahil humihingi ang mga estudyante ng excuse sa mga prof nila para makapag-ayos ang kani-kanilang mga orgs, frat at soro para sa darating ng university fair.

Pero exempted ang klase namin doon. Pakshet.

"Sir naman eh, sige na po, please?? Ngayong araw lang naman po," pakiusap ng isa kong kaklase.

"Manahimik kayo. Anong ngayong araw lang? Ako ba niloloko niyo? Lunes palang ngayon, sa Biyernes pa ang event."

Todo hingi ng permiso ang buong klase kahit ang iba naman sa amin ay walang gagawin, basta makalusot lang. Narinig ko pa si Shannie na sainabing "Damot-damot talaga ni Sir Leo," saka umirap pa.

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora