Chapter 8: Mini bonding

460 23 5
                                    

BAEKHYUN


"So ano, final na ba yung theme natin para sa school fair next week? Kung may idadagdag pa kayo, open tayo for suggestions."

Lahat ay busy para sa paghahanda para sa magiging event ng university namin. Naging annual event na kasi ito sa amin, saka mas masaya kapag may maraming pakulo kada booth kaya todo piga ng utak naman ang klase namin para maging benta kami sa mga estudyante.

"Oh ikaw baby," bigla namang tinuro ng kaklase ko yung anak ko. "May isusuggest ka ba?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Huwag mo idamay yung bata dito, beh."

"Ha? Di naman yung anak mo ang tinutukoy ko ah, ikaw kaya."

Nagkantyawan sila pero inirapan ko lang sila. Kung pwede ko lang silang tapunan ng tig-iisang gitnang daliri, ginawa ko na. Kaso good boy ako eh kaya hanggang belat nalang ang ginawa ko.

Hinayaan ko nalang muna na magusap-usap ang klase at umatras ako sa mga pakikipag-bangayan nila sa isa't isa. Kinarga ko si Vaughn at nagpaalam na lalabas saglit dahil baka nastre-stress ang bata sa ingay nila.

Kung nagtataka kayo kung bakit bitbit ko pa rin si Vaughn, pwes kasalanan ng nanay kong nagmamagaling kasi pinaasa niya akong uuwi na raw ang mga kasamahan namin sa bahay. Wew pak ganern diba.  

Bumaba kami ng building namin at bumili saglit sa canteen ng Dutch Mill, napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw simula nung pinatikim siya ni Trian ng gatas na yun parang lagi niyang hinahanap-hanap. Pagkabili, pumunta kami ng garden sa likod ng school at nagpalipas ng oras.

"Hala?" Naka-alsa pa yung damit niya kaya kita ang tiyan. Di man lang kumibo-kibo itong batang ito kaya di ko napansin na nakatulog na pala si Vaughn. Napailing ako ng ulo habang natawa nang kaunti.

*Shannie calling*

"Yes Baks?"

"Saan ka?"

"May date ako. Bakit?"

"Ulol ka. Puntahan kita, wala akong magawa dito sa room."

Bongga ang bibig ng ate mo oh, kailangan na atang mabuhusan ng holy water. "Garden sa likod ng school plaza. Dala ka ng pagkain ah."

Pagkaraan ng ilang minuto nakita kong tumatakbo si Shannie. "Heto!" tapos hinagis niya yung isang supot na may lamang rice in a box ata. "PG neto. Bayaran mo yan ah!"

"Wow thank you ha. Ramdam ko sa pagkakahagis mo." Umupo siya sa tabi ko tapos di na muna umimik. Tapos maya-maya tumitingin siya sa akin pero kada titingin ako sa kanya umiiwas siya. Di ko muna pinansin kasi tinotopak ata itong babaeng ito pero parang sirang plaka lang kasi.

"Yung totoo ba." Kinurot ko nga sa tagiliran at napasigaw siya. Tinakpan ko naman agad yung bibig niya pero dinilaan niya yung kamay ko kaya napabitaw ako at saka niya ako sinabunutan.

"Ikaw kasi Baks! Ilang linggo na ang dumaan pero ni minsan di mo man lang ako kinuwentuhan kung ano na ang nagyayari sa'yo at kay Vaughn! Ewan ko sa'yo!"

Napatawa ako nang malakas, yung tawang capslock talaga na feeling ko maririnig hanggang kabilang eskwelahan. Buti na nga lang di nagising si Vaughn. Nagtatampo lang pala itong babaeng 'to! "Asus! Gaga ka talaga, sorry na. Minsan nalang kasi tayo nagkikita eh."

Tapos ayun, nagkwento ako ng kung ano-ano. Basta sinasagot ko lang yung mga tanong niya. Feeling ko nga mga ilang taon na kaming di nagkikita nitong babaeng ito kasi nakaimbak na pala yung mga kwento ko. So basically chismisan lang yung naganap, hindi na namin napansin na inabot na pala kami ng lagpas alas dos ng hapon.

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon