Chapter 2: Trian

1.4K 77 37
                                    

BAEKHYUN


Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone kong paulit-ulit na nagriring.

*Daenerys Targaryen calling*

"Kay aga-aga pa oh, patulugin mo pa ako!"

"Oh I am sorry to have disturbed my son's beauty rest. Should I drop the call now?"

Napabangon ako agad sa higaan ko. Shit. Pinalitan ko nga pala yung contact name niya sa cellphone ko. And syempre sarcastic yung 'sorry' niya. Haler, she's the mother of all dragons at wala siyang sinasanto.

"Why the hell are you slacking off? It's almost 8 in the morning?"

"Ma, chill. 10 pa naman ang pasok ko." Tumayo na ako at nag-unat saka hinawi ang kurtina. Medyo mainit na din ah.

"Chill your ass. Oh, you don't even have an ass! Hahaha!"

My dear mother, everyone.

Sinabihan ko siyang ibababa na sana ang tawag dahil puro pangiinsulto lang naman ang ginagawa niya kasi pinigilan niya ako.

"Sorry na ok? I already have deposited your allowance in your account."

Napa-'tsk' ako. "Ma, diba sabi ko na sa inyo na ok lang ako? May ipon pa naman ako eh."

"Baekhyun, yang ipon mong yan mauubos din."

"Maghahanap ako ng trabaho para makakuha ng pera." Ayokong umasa na kay Mama kasi patago lang niya akong binibigyan ng pera. At sa oras na malaman ito ni Papa, ewan ko nalang kung ano ang mangyayari.

"At saan ka naman hahanap? Manlalalaki ka ganun?"

And a joke was said again. Sinabihan ko nalang siya  na ako na ang bahala. Ang inaalala ko lang naman ay siya. Kahit bruha niya at inaaway ako sa lahat ng oras, mahal ko pa rin ang nanay ko.

Nag-usap kami saglit at nung ibababa ko na ang tawag, nagpahabol pa siya.

"Anak, umuwi ka na please."

Natahimik ako saglit. Namimiss ko na sila, sobra. Pero ayokong umuwi na hindi pa rin ako tanggap ng ama ko.

"Soon, ma. Soon."


Pagkadating ko ng department namin nahagip ko yung mga babaeng pumunta sa room namin kahapon kaya dali-dali akong tumakbo makarating lang ng room. Tapos pagkadating ko pa medyo nagkakagulo pa sa loob ng classroom.

"Uy Marc, anong meron?" tanong ko sa isa kong kaklase.

"BUHAY SI EYEBROWS-SAN, BAEKHYUN!"

Eyebrows-san?! "Ha?! Sino naman yan?!"

"Sa Tokyo Ghoul, pre! Si Amon Kotaro ba!"

Takte neto! Akala ko kung sino na, anime pala! "Oh akala ko ba sabi mo hindi ka na magbabasa niyan?"

"Umaasa pa akong mabubuhay si Hide eh!"

Ay sadista ni koya. Umaasa kasi sa mga bagay na hindi sigurado kung babalik pa, o buhay pa ba. Umupo nalang muna habang yung iba talagang todo usap pa tungkol kay eyebrows-san na yan. Mga ilang minuto pagkadating ko, dumating naman itong si Shannie. Inirapan ako pagkatingin niya sa akin, binelatan ko naman. Sakto namang nakaupo siya sa harap ko kaya kinukulit-kulit ko hanggang sa nainis na talaga siya.

"Bakla, wag ngayon."

"Meron ka no?"

Tumango lang siya. Ang moody talaga ng mga babae.

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon