21. Taeyeon is hurt

563 18 1
                                    

Chapter Twenty One

Tiffany's Pov


Kinakagat ko ang ibabang labi ko habang tinititigan ang screen ng iphone ko. Hindi ko na alam kung anong oras ako nagsimulang magkaganito. All I know is, it's all started from that day. Yung araw kung saan hinalikan ako ni Taeyeon sa isa sa mga kwarto ng sm building. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maintindihan.


'Malinaw ang lahat na gusto ako ni Taeyeon pero bakit hindi kami pwede?' Ito ang paulit ulit na naglalaro sa isip ko at ang paulit ulit ding naiisip kong sagot ay 'dahil parehas kaming committed.'


I know it's lame ngunit wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit takot si Taeyeon sumugal at mapalapit sa akin. Marami akong tanong na gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Ilang araw ng hindi umuuwi si Taeyeon sa dorm at walang kung sino man ang makapagsabi kung nasaan siya maging si Sunny.


I tried to call him and ask his whereabouts pero wala akong kahit isang reply na natatanggap at laging off ang phone niya. Inisip ko nga na siguro nagdesisyon siya na layuan na lang ako. That can happen. But knowing that he's still a trainee and If he value his career hindi niya yun magagawa ng dahil lang sa babae. Siguro nga ay masyado lang akong assuming. Baka naman hindi talaga ako gusto ni Taeyeon. What if he didn't mean everything he said? And what if iba ang ibig niyang iparating?


He said he can be obsessed right? And he's afraid that I will leave him. What does he mean by that?

Tumayo ako mula sa kama ko at nagbihis. I need to get some fresh air. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip kay Taeyeon.

Sumalubong sa akin ang nakangiting si Sunny pagkalabas ko ng kwarto. Nakaupo siya sa sofa at malaki ang pagkakangisi habang pinapanuod akong papalapit. Kumunot lang ang noo ko.

"You are still thinking aren't you?" Makahulugan ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin at nagpanggap na tumitingin sa relo ko.


"I'll go and hang out with Bora." Pag iiba ko ng usapan. Tumingin ako kay Sunny at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Hmm. Whatever. Mas mabuti nga yan kesa magmukmok ka buong maghapon kakaisip kay Taeyeon." Humalakhak siya na parang nakatama sa lotto.


Hindi ako nagsalita. Umirap lang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa may pintuan. Hindi ko alam kung anong nalalaman ni Sunny tungkol sa amin ni Taeyeon.


Siya ang nakakita sa akin nung araw ng huling pag uusap namin ni Taeyeon. Naabutan niya akong tulala habang umiiyak ngunit hindi siya nagtanong. Inakay niya lang ako at pinauwi bukod dun ay wala na. Mabuti na nga lang din yun dahil hindi ko din alam kung paano ko sasabihin ang lahat. Ngayong pati ako ay naguguluhan.

"Okay okay I get it! But don't worry, buhay pa si Taeyeon. Sa condo siya ni Soo tumutuloy." Pahabol na wika ni Sunny. Kaagad akong napahinto sa paglalakad at muli siyang hinarap.


Magtatanong na sana ako ng itaas niya ang kanyang kamay sa ere.


"Pero!" Ngumuso siya at umiling iling. "Ang sabi ni Soo ay pumunta siya sa Jeju kaninang umaga."

Napanganga ako. Jeju?! What the hell is he doing there!?


"To see his girlfriend Minah." Dugtong ni Sunny. That made me stop.

Suminghap ako at natameme. Girlfriend..


Kaya din ba ayaw sa akin ni Taeyeon dahil sa girlfriend niya? He still love his girlfriend isn't it?


Nakita ko ang unti unting pagkabura ng ngiti ni Sunny. Tumango lang ako.

"Okay." Matabang na sambit ko at pumihit na para lumabas ng dorm.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon