29: Carsick

4.1K 198 39
                                    


“Gabi, Kean texted. Lunch daw kayo mamaya?”

Tulala lang ako sa kawalan saka marahang tinanguan si Timothee na kinakalikot ang phone ko. He typed something para siguro magreply so I ignored him at pinagpatuloy ang pag-iisip ng malalim.

My mind kept wandering about random stuff, but mostly.... about her.

“Anong trip mo gaga?” Pagpuna sa akin ni Timothee. Nasa field nanaman kami sa usual spot pero hindi kami pumunta para magsaya o tumambay lang, may quiz kami about linear programming kahit na kakatapos lang ng exam kaya ang daming librong nakakalat sa mesa.

“Gutom lang.” Pagsisinungaling ko. Saglit siyang napatitig sa akin saka lumingon naman kay Maxy na mukang wala rin sa sarili at tulad ko, nakapangalumbabang nakatanaw sa malayo.

“Hoy Maxy, ano ring ini-emote mo diyan?” Sita ni Tim. Napalingon na din ako kay Maxy dahil unusual naman yata na may problema siya maliban sa papa niya. He shrugged bago napatawa ng mahina.

“Sa tingin niyo, bakit kaya may mga taong nagpapangalan ng piggy sa isang pusa?” Natatawa niyang tanong at dahil doon ay napaubo kaming dalawa ni Tim. Jusko lumuwag na ba ang turnilyo ng isang 'to kaya ganyan na ang mga tanong? Napailing iling nalang ako saka nagsimulang magsulat. Siya pa naman pinakamatino sa amin.

“Malala na ang tama mo gaga. Nakahithit ka ba?” Sabay batok ni Tim sa kanya. Tumawa lang ulit si Maxy saka nakatulalang tumingin sa kawalan. Ano kayang iniisip ng isang 'to?

“Wala 'to. Una na pala ako, baka naghihintay na si Rini.” Nagsimula nang magligpit si Maxy kaya napatigil kami ni Tim sa pagsusulat at napatingin sa kanya. May plano pa atang i-ditch kami. Sabagay hindi pala kami magkaklase.

“Oy sama ako.” Bulyaw ni Tim saka nagmadaling mag-ayos ng mga gamit niya. Iiwan ba nila ako? Hindi ko talaga pakokopyahin si Tim. Bwisit na bakla.

Nang magsimula na silang umalis ay hinawakan ko ang laylayan ng longsleeves ni Tim kaya napalingon ito sa akin.

“May quiz tayo mamaya baka nakakalimutan mo?” Paalala ko. He just shrugged bago ako inirapan.

“Lunch naman na. Tsaka andiyan ka naman yiee, pakopya ah?”

“Hoy—”

He cut me off.

“Bye bye.” Pang-aasar nitong sabi saka hinila si Maxy paalis. Sabi na nga ba mangongopya nanaman ang isang 'yan. Tapos siya pa ang galit kapag binagsak ng prof.

Dahil wala na rin naman akong magagawa ay nagligpit nalang din ako. Nagtext na din kasi si Kean na naghihintay na siya. Tuwing lunch nalang kami nagkikita dahil hindi ko na siya pinayagang ihatid ako at sunduin. I'm distancing myself to him.

Pagkarating ko sa cafeteria ay nakita ko kaagad si Kean na nakaupo sa isang mesa. Naka-jersey pa siya, halatang kagagaling niya lang sa practice nila. I waved at him saka naupo sa harap niya.

“Sorry, natagalan.” Paumanhin ko. Ngumiti lang siya saka umiling.

“Ayos lang. Oorder muna ako para satin.” At tumayo na siya saka pumila. Nilabas ko nalang ang reviewer ko at nagreview. Hindi ako nakatulog at nakareview ng maayos kagabi dahil ang ingay ulit ni Bailey kaya ngayon nalang ako magrireview.

Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating na si Kean bitbit ang isang carbonara, at meatballs with rice. Jusko nakakagutom. He handed me the carbonara which I gladly took pati na rin ang tubig at ang kutsara tinidor.

“Thanks.” Hinawakan ko na ang kutsara ngunit inagaw niya yun sa akin. I got annoyed for a second at mukang napansin niya dahil inabot niya din ito sa akin.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon