19: Strawberry mint

4.2K 198 210
                                    

“Are you developing feelings for Briel?”

“Pwet mo feelings.” Iritado kong sabi sabay focus sa pagguhit para sa plates na ipapasa namin. Konting kembot nalang summer na tapos tatanungin niya ako ng mga ganitong bagay? Really?

“When will you be honest with yourself, Gabi?” Asar nanaman ni Maxy pero imbes na kumibo, I threw him a piece of crumpled paper at saktong tumama yun sa noo ng bakla.

“When will you stop shitting about my love life?”

“Hanggang sa umamin ka.” He hissed sabay cross arms.

“Pinakialaman ko ba ang closeness niyo ni Rini?” I teased na ikina-sama niya ng tingin. “Hindi diba?”

“Iba naman kasi yung amin, Rini and I are good friends. Eh kayo? Friends lang ba?” He teased back again. Kapag talaga siya na ang nang-aasar, napapatameme nalang ako. Napatigil nanaman ako saka siya tiningnan. My eyes scanning Maxy whether to tell him or not.

In the end, napabuntong hininga nalang ako.

“Briel, she's special. Something's wrong with me, I can feel it. Alam mo yung pakiramdam na bigla ka nalang natitempt na halikan ang isang tao? Na minsan nagiging possessive ka? This is freaking insane, Maxy. 'Di ako sanay, 'di ko alam kung anong gagawin ko.” Napayuko ako sabay gulo sa buhok ko.

I am so confused these past few weeks. Its been torture everytime I see her but I don't want to hurt her either.

“Tae kang bakla ka!” Isang hampas ang pinakawalan sa akin ni Maxy habang kinikilig na sinabi yun. Bwisit.

“What a helpful friend, Maximo.” I said sarcastically bago itinabi ang ginagawa kong sketch at pinagmasdan nalang ulit ang field na nasa harapan namin.

“I mean, you clearly like her, whats the catch?” Irap nito. I sighed.

“That's the catch, I'm not sure if I really like her.” I paused. “I'm gay, duh?”

“Maybe you're bisexual?” Kumakamot pang sabi ni Maxy. I shrugged again before spacing out.

I've been gay ever since I started having this little crush on Kean. Speaking of, I also have a thing for Kean. So ibig bang sabihin nun na bisexual talaga ako? I like them both, I think. Jusko ang complicated.

“Hubby.”

The moment I heard her voice, napalingon agad ako. And there it was again, my heart beating like crazy because of her. She gave me a sly smile before raising two milkteas.

Ngayon ko lang na-appreciate ng bongga ang magulo niyang buhok. It's messy but it suits her alam niyo yun? Now don't get me started with her smile.

“Act cool, Gabi. You're drooling.” Siko pa ni Maxy. I composed myself bago tinaasan ng kilay ang bruhang papalapit. I thank god na si Maxy kasama ko ngayon dahil kung si Tim, malamang matagal na akong nabuking ng baklang yun.

“Ano nanamang kailangan mo?” Pagtataray ko kunwari. Bigla lang siyang tumawa sabay yakap sa braso ko. Pucha.

“Binilhan kita ng milktea, matcha?” She handed me the matcha milktea na nahihiya ko pang tinanggap. Naupo na din siya sa tabi ko at pinagmasdan ang field, habang si Maxy naman ay nakasandal sa sementong mesa at nakataas ang kilay sa amin.

“Sakit niyo sa mata, una na nga ako. Yung project natin Gabi ha?” Paalala pa ni Maximo bago tuluyang umalis.

Pucha pipigilan ko pa sana siya dahil ayoko pang mapalapit lalo sa bruha pero eto ako ngayon, mukang binibenta pa ng bakla. Sarap hambalusin ng tsinelas eh bwisit.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon