25: Drunkards

4.4K 229 77
                                    

“Tama si Trevor, lasing lang si Rini. People say weird things when they're drunk.”

Ilang beses kong sinabunutan ang sarili ko nang nasa loob na ako ng banyo. I did not expect that. Now's not the right time! Why would Rini do that? Ako na bahala sa diskarte ko. I don't want her to know through that and Briel's drunk. She'd probably forget half of what happened. I hope she forget this one.

Pagkabalik ko ay patuloy lang sila sa pag-iingay at panonood ng barbie. But unlike earlier, sina Timothee, Trevor at Maxy nalang ang maingay dahil si Rini ay natutulog na ngayon sa kama ni Timothee habang yung Rems naman ay tahimik lang na nakikitawa.

Where's Briel?

Lumapit ako sa kanila at tiningnan sila isa isa, baka nakaligtaan ko lang siya. Pero wala talaga. Gigisingin ko na sana si Rini para itanong kung asan ang bruha nang magsalita si Maxy.

“Nasa veranda si Briel. Puntahan mo nalang.” Tumango lang ako saka pumunta sa maliit na veranda ng kwarto ni Tim. Bawat kwarto kasi may maliit na Veranda para may masampayan o matambayan.

Pagkalabas ko ay andoon nga siya. May hawak na beer at nakaupo sa mahabang stool. Nakatitig lang sa kawalan, more like sa mga puno at mga buildings na nasa likod ng building na kitang kita mula sa veranda.

“Sabing 'wag iinom eh.” Panimula ko saka umupo sa tabi niya. She glanced at me bago tipid na ngumiti at uminom ulit.

“I'm sober, Gabriel. No need to worry.”

Hindi ko alam kung lasing ba siya o hindi na. I mean ang dami niyang nainom. And I can tell na lasing na lasing siya kanina but talking to her now, feels different.

“Sa dami ng nainom mo? I doubt that.” I teased pero hindi siya tumawa o ngumiti manlang. Nakatitig lang ito sa kawalan.

“May ibibigay pala ako sa'yo.” Bigla niyang sabi saka may kinuha sa bulsa niya. “Close your eyes.” Sabi niya pa kaya labag man sa kalooban ko ay pinikit ko ang mata ko.

Naramdaman kong lumipat siya sa likod ko. She touched my ear at may nilagay doon. I bet it's an earing. Sa isang tenga niya lang ako nilagyan ng earing, nang hawakan ko yun ay maliit lang kaya hindi nakakaagaw pansin.

“Thanks.” Yun nalang nasabi ko bago siya bumalik sa kinauupuan niya.

Silence enveloped us. Walang nagtangkang magsalita. Tanging ingay lang mula sa loob at ang paginom ni Briel mula sa lata ng beer ang naririnig.

The silence wasn't awkward, it was more like depressing.

“You want?” She suddenly spoke kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. She's handing me the other ear piece na ngayon ay nakakonekta ulit sa phone niya.

Tumango lang ako saka lumapit pa sa kanya. I put on the earphone saka pinagmasdan ang labas. It's mostly consist of trees pero mula sa malayo makikita mo ang mga ilaw galing sa syudad.

“What's the song?” Tanong ko nang magsimulang tumugtog. Inipit niya ang kamay niya sa binti niya bago ngumiti, hindi parin tumitingin sa akin.

“Hintay, by sleep alley and up for byes.”

Tumango nalang ako at nakinig nalang. I don't know why pero with the scenario and the music, para kaming nasa isang palabas. It's as if the song perfectly fits what I feel and maybe, hers too.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon