8: Checkmate

4.2K 188 43
                                    


“When will you stop following me like a stray dog?”

Naiirita kong pagsusungit kay Briel na naka-angkla parin ang braso sa braso ko. She let out a giggle bago hinigpitan ang pagkakayakap sa braso ko. My gosh ang init na nga sa pinas tapos dikit pa ng dikit ang isang 'to!

“First of all, I like cats more than dogs so I prefer to be called, stray CATS.” She said proudly while grinning at me. “And to amswer your question, I'll follow you forever.”

“Taena.” Mahina nalang akong napamura bago binilisan ang paglalakad sa hallway ng building. Pero parang wrong move dahil kapag binibilisan ko ang paglalakad ay para kong hinihila si Briel kaya naiiwan ang kabilang parte ng katawan ko. Ba't kasi ang bagal niyang maglakad?

“Don't you have any friends?!” Pagsusungit ko ulit. She squinted her eyes bago ako inirapan.

“I have! I have you, Kean, the girl named Penny who's my seatmate and you, and Kean, and you again and Kean and oh! Bailey!” She giggled. My face grimaced because of her answer. Di ko alam kung maiinis ako o maaawa sa kanya eh my gawd.

Nakarating kami ng cafeteria on time. Hindi pa masyadong maraming estudyante at hindi rin masyadong konti. Tama lang. Nakita ko na si Maxy at Tim na nakaupo sa isang table kaya lumapit na ako sa kanila, still dragging Briel.

“Mukang may extra baggage ka ah?” Maxy giggled kaya napairap ako. Naupo ako sa harap nila at tumabi naman si Briel sa akin habang nakapulupot parin sa braso ko.

“Anong nangyari sa ganti mo?” Bulong ni Tim making me frustrated and devastated once again. I know! I should be plotting some out of the world scheme to get rid of her but here I am accepting her friendship like a stupid bitch.

“I will. Not now.” Sagot ko nalang.

“Ano 'yang pinagbubulungan niyo?” Sita ni Briel. Napalayo nalang agad si Tim bago natatakot na nginitian si Briel. Takot talaga kay Briel ang isang 'to. Pa'no pa kaya ako?

“W-Wala. Ako na oorder ng pagkain.” Tim stood up at kinuha isa isa ang order namin. Di ko alam kung papasalamat ko si Briel dahil tinakot niya si Tim o hindi. Si Tim kasi ang palaging nagpapasabay sa pag-order at ngayon mukang natakot yata?

Nanatili kaming tahimik at hinayaan si Briel kakakwento ng kung ano ano. Pasimple nalang kaming nagtitinginan ni Maxy, animo'y nag-uusap gamit ang mga tingin. Masyado palang madaldal ang isang 'to eh.

“Oh Penny!” Sigaw nito. A girl with a cold expression looked at us saka simpleng ngumiti kay Briel. Siya ba yung tinuturing niyang kaibigan? “Dito kana maupo!” Walang nagawa ang babae kundi ang lumapit nalang sa amin habang bitbit ang tray niyang may pagkain.

“Yo.” Tipid niting bati bago naupo sa tabi ni Briel. She looks awkward pero pretty naman siya infairness.

“Penny, this is Maxy, a gay with daddy issues.” Sabay turo nito kay Maxy. Napangiwi nalang kaming pareho ni Maxy dahil sa kadaldalan ni Briel, the girl Penny nodded her head at Maxy sabay deadma.

“And that's Timothee or Tim, the gay na mahinhin.” Sabay turo nito kay Tim. Hope she can read sarcasm.

“And of course, Gabi, my hubby.” She giggled sabay yakap sa akin ng patagilid. I even flinched at nagpumiglas agad dahil sa kagagawan ng babaeng 'to. My gawd I really need to bathe in alcohol after this day. Ew. The girl Penny snickered before nodding at me.

“Hubby my ass!” Pagtataray ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago bumitaw at nginitian yung babae.

“And this is Penelope, we're blockmates pero gusto niyang tawag sa kanya is Penny.”

She's into GaysWhere stories live. Discover now