35: Together

4.5K 210 101
                                    

“W-What the hell?”

Briel's shocked expression greeted me early in the morning. Tulala siyang nakatingin sa akin pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng kwarto nila dahil nakaabang na agad ako doon. I scoffed trying to hide my shyness.

“Sabay na tayo.” Tipid kong sagot saka nilahad sa kanya ang rosas na pinutol ko mula sa labas ng university. Briel blushed before slowly touching the rose. Nag-effort pa akong tanggalan ng tinik yun. Muntik pa nga akong masugatan eh.

“W-Wow, uhm, sige teka magbibihis lang ako.” Mabilis niyang sabi saka pumasok sa kwarto at sinaraduhan ang pinto.

Nang masiguradong wala nang tao sa hallway ay saka ako napangiti ng malapad at napakamot ulit sa leeg. Kinabahan talaga ako. Akala ko hindi niya magugustuhan ang rosas na binigay ko. Buti naman tinanggap niya.

I balled my fist at umaktong sinuntok ang ere nang biglang bumukas ang pinto. I was shocked and she was shocked too. Kalaunan ay biglang humagalpak si Hilary na nakasilip sa pinto.

“Dude, I hope Briel saw that.” Pang-aasar niya pa. Inayos ko nalang ang tayo ko at inirapan siya. I can't believe she caught me doing that. Nakakahiya bwisit.

“Hilary, una na ako.”

Lumabas na si Briel with her usual outfit at nagpaalam muna kay Hilary na kinindatan pa ako. Bwisit talaga. Habang naglalakad papuntang elevator ay mukang napansin ni Briel na bad mood na ako.

“May problema ba?” Sabay siko niya sa tagiliran ko. I sighed before shaking my head. It's not a problem afterall.

“Nothing. Gutom na ako, kumain kana ba? Wanna have breakfast together?” I asked, her face lit up saka niyakap ang braso ko na para bang nanghihingi ng pabor.

“Super. Libre mo ba?” She pleaded as she batted her eyelashes. Sinubukan kong hindi ngumiti at bigyan siya ng nandidiring tingin pero natawa din ako bandang huli. God why can't I resist her?

“Ikaw dapat magbayad.” Pagbibiro ko. She pouted bago ako sinamaan ng tingin. We entered the elevator at pinindot niya naman ang ground floor.

“Why would I? Sino ba ang lalaki sa ating dalawa?”

“Wala.” I smirked saka nilapit pa sa kanya ang muka ko para maasar siya. Halos humagalpak naman ako sa tawa nang mapanganga siya at ngumingiwi habang umiiling iling sa akin. Mukang 'di niya ini-expect na sasabihin ko yun.

“Bwisit ka Gabi! Bahala ka diyan.” Kumalas siya sa pagkakayakap sa braso ko at humalukipkip sa gilid. I pursed my lips and stop myself from laughing bago binangga ang siko niya ng siko ko.

“May mali ba sa sinabi ko?” Pang-aasar ko lalo. Nakita kong mahina siyang umiling saka ngumuso.

“Wala naman... bakla ka pala nakalimutan ko.” Sabay yuko niya pa.

God she's really cute!

Mahina akong tumawa before I cupped her face and make it face me. Her cheeks is puffing from my hand making me stifled a laugh because of her overflowing cuteness. Kunot-noo parin siyang nakatingin sa akin.

“Bakit?” She asked.

“Ayaw mo bang bakla ako?” Tanong ko dito. Tila mas lalong kumunot ang muka niya dahil sa tanong ko. Actually, hindi ko alam kung anong isasagot niya.

She's into GaysWhere stories live. Discover now