30: Pusit

5K 271 89
                                        


Buong biyahe ay tahimik lang kami ni Briel. Trevor is peacefully sleeping sa tabi ni Coco. Nagkakatuwaan na din ang lahat sa loob ng bus pero kaming dalawa ni Briel ay walang imikan. I would frequently glance at her pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Not minding me kaya nililibang ko nalang sarili ko.

Minsan tinitingnan ko nalang sina Maxy na may katabing isang hindi pamilyar na babae. Tsaka si Timothee na katabi si Rems na kaibigan ni Trevor. Nasa likuran silang lahat. Minsan din napapansin kong napapatingin si Coco kay Timothee. Crush niya ba?

Ilang minuto pa ang lumipas at natahimik na din ang iba. Hinahayaan nalang ang music mula sa speaker ang gumawa ng ingay. Gutom na din ang lahat pero malayo pa kami. Bukas pa naman pala talaga ang birthday ni Hilary pero gusto niya daw two days birthday niya kaya two days din kami. Ang daming alam eh.

Everyone is already sleeping, pati nga ang katabi ko mukang nakatulog na. Nakasandal na kasi si Briel sa bintana habang nakapikit. Buti at hindi pa nagugutom ang isang 'to. I mentally laughed bago napailing iling. Parang may bulate tiyan nito eh.

I kept staring at her. Its been so long since I got a chance to be this near to her. Kailan ko ba siya huling nalapitan ng ganito? Hindi ko na maalala.

God I miss her. Bumuntong hininga ako bago lumingon lingon, mukang wala namang nakakapansin sa akin dahil ang iba nakaidlip na. I close my eyes shut before opening it again only to stare at Briel once again.

"I miss you." Bulong ko saka dahan dahang nilapit ang muka ko sa kanya. Her face is a bit red, naglagay ba siya ng blush on? She look so cute sleeping. And her lips, its puffy.

I leaned a little bit closer once more to the point na naamoy ko na ang vanilla niyang pabango and the familiar strawberry mint scent from her lips. I miss those. I gulpted at pinigilan ang sariling 'wag siyang halikan.

"Shit." Bulong ko nang mamalayang mas nilalapit ko pa ang muka ko sa kanya. Nasa ganun akong posisyon nang biglang gumalaw ang bus kaya dumikit ang labi ko sa labi niya.

Shit talaga!

Agad akong lumayo at tulalang napatitig sa harapan. I saw Briel stretching her arms. Mukang nagising siya dahil sa paglundag ng bus. Bwisit sana hindi niya namalayan na nahalikan ko siya!

She cleared her throat bago ako tiningnan. "Uhm, asan na tayo?"

"Medyo malapit na." Sagot ko at hindi parin makatingin sa kanya. From my peripheral vision, I saw her nod saka lumingon ulit sa bintana kaya napalingon na ako sa kanya.

She's smiling habang nakatingin sa harap ng bintana, admiring the scenery. Puro kasi dagat na ang makikita, tsaka coconut trees at iba pa. Pero kahit na maganda ang view sa labas, nakatitig lang ako sa mata niya.

I think I'm whipped.

Kahit na maganda ang view sa labas, nakatitig parin ako sa mata ni Briel na nasa tabi ko. Yung magandang tanawin, parang mas magandang tingnan sa mata niya. It became twice as beautiful when I admire its reflection from Briel's eyes.

Lumingon siya bigla sa akin kaya nagkatitigan kami for about a minute. Biglang bumagal nanaman ang takbo ng puso ko. Nahirapan ako biglang huminga habang nakatitig sa mata niya.

She's the only one who can make my heart do that.

She was quick to look away tho. Sayang. Napahawak nalang ako sa dibdib ko at sinubukang i-distract ang sarili. Para namang nanadya ang bus dahil ang sumunod na tugtog ay nanunukso. Tj Monterde's mahika is playing in the background. 'Di ko tuloy mapigilang mapangiti. Jusko. Nababaliw na ako.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon