12: Jealousy makes you nasty

5K 205 50
                                    



"You're twenty minutes late!"

Bungad agad sa akin ni Briel nang makapasok ako sa coffee shop na meeting place namin. Maxy, Briel, Timmy, Trevor, Rini, and Kean are already there at halos ako nalang talaga ang hinihintay. Whatever, mabuti nga at dumating pa ako. I smiled at Rini before I gave her a peck on her cheeks.

"Happy birthday girl." Naupo agad ako sa tabi ni Kean at tabi ni Briel. Pakiramdam ko nga sinadya ni Briel na itabi ako sa kanya, buti nalang katabi ko din si Kean.

"Thanks, Gabi." Ngumiti si Rini sa akin bago tinawag ang waiter.

"I'll have Chicken Alfredo, and fish n' chips." Order ni Maxy. The waiter gladly jot down his order before paying Briel some attention.

"Meatballs with mushroom sauce akin, tsaka banana split. Meron kayo nun?"

"Ay baka wala." Pambabara ko kay Briel, she just gave me a glare bago nginitian ulit ng matamis ang waiter.

Now it's my turn.

"Gusto ko-"

"-Ako gusto niya!" Singit ni Briel.

The whole gang erupted with laughter, even the waiter dahil sa inasta ni Briel. She even winked at me kaya napapikit ako at napamasahe nalang sa sintido. Ang sakit niya talaga sa ulo kahit kailan.

Natapos umorder ang lahat kaya nabalik kaming lahat sa kwentuhan. It was an advance birthday party for Rini dahil bukas pa talaga ang birthday niya, which is saturday kaya baka hindi kaming lahat makapunta. Libre niya pa nga eh kaya tiba tiba ako ngayon sa pagkain.

"Alam niyo ba 'tong si Rini muntik nang magkajowa ng bakla?" Natatawang sabi ni Trevor dahilan para makatanggap siya ng malaking batok kay Rini.

"Leche manahimik ka diyan."

"Tell us more!" Briel added making all of us laugh in unison.

"May nanligaw kasi sa kanya ng three years, tapos sasagutin niya na sana kaya lang bawal sa magulang niya kaya ayun hinayaan niya lang na ligawan siya ng ilang taon. Tapos nung senior high na-"

"Trevor Lloyd Casteño!" A loud roar from Rini was heard bago niya pinagbabato ng tissue si Trevor na nasa kabilang panig ng lamesa. Lahat nalang kami natawa dahil sa dalawang magkaibigan. Actually magkaibigan na sila simula highschool pero di sila close, nang maging magkaklase sila ngayong college ay saka lang sila naging magkaibigan.

"Tigilan niyo na nga yan jusko." Humahagalpak na pigil ni Tim sa kanila pero galit parin si Rini kahit na pinipigilan siya ng natatawang si Maxy.

"Pikon kasi pinagpalit sa lalaki-Aray!" Halos humagalpak ulit kami ng tawa dahil yung metal na lalagyan na ng tissue ang tinapon niya kay Trevor. Kawawang Trevor.

"Eh kung ikwento ko kaya sa kanila ang sinabi mo sakin nang makita mo si Briel-"

"Rini Sergei, tumahimik ka pakiusap!" Namumulang sigaw ni Trevor. Some of us started laughing pero ako ay naguguluhan, pati na rin pala si Maxy. Timmy and Kean and Briel are still laughing.

She's into GaysWhere stories live. Discover now