22: He's into her

4.7K 219 90
                                    


“Ano silent treatment?”

Reklamo pa ni Briel habang kumakain ng mga prutas na dinala ko. Loka, hindi pala kumain kaya nahimatay. Nagpalipas pa tuloy ako ng gabi sa kwarto nila. Nakitulog muna si Hilary sa kwarto ni Penny na nasa kabila lang. May sleepover talaga dapat sila pero sa kwarto lang ni Briel and Hilary.

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi umimik. Nanatili lang akong tahimik. Bakit 'di niya sinabi sa akin? What's the real deal?

“Gabi naman eh.” Sinamaan niya ako ng tingin saka binaba ang kinakain niyang mais. I looked at her again bago bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin.

“Bakit 'di alam nina Tita Glen?” Tanong ko pa.

Bigla nalang siyang nalungkot saka mapait na napangiti. “Akala kasi ni mama nandoon ako kay papa, at ang akala naman ni papa, hindi pa ako pumupunta sa kanila. Pero ang totoo, andito ako.” She pouted saka ako pasimpleng tiningnan.

“Bat ka kasi pumunta pa dito? Pa'no kung malaman nila? Jusko kang bruha ka.” Nai-stress kong sermon. Tumawa lang siya saka nagpatuloy sa pagkain.

Nakahiga siya sa kama niya at may kumot na nakabalot sa lower body niya. Ako naman ay nakaupo lang sa paanan niya at pinagmamasdan siyang kumain ng kumain. Mukang 'di nakakain ng matagal eh.

“Kasi nga diba...” She trailed off. Napakagat siya sa ibabang labi niya saka nahihiyang nag-iwas ng tingin.

“Kasi ano?”

“Kasi nga may atraso pa ako sa'yo.” Sagot niya. Napatigil naman ako saka siya tinitigan. Atraso? Yung halik ba? Ang tagal na nun. Hindi ko pa nga ini-expect na maalala niya pa ako. Tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin.

“Pwede mo naman akong kalimutan nalang. Bata pa tayo nun.” I said, scratching my nape. Nahiya ako bigla.

“Bata pa tayo nun pero nung nagkita tayo, grabe padin ang galit mo sa akin. Yun ba yung kalimutan nalang?” She laughed. “So kung 'di pa pala ako dumating, baka hanggang ngayon galit ka parin sa akin.”

Pwede.

“Bakit nga ba galit ka sa'kin? Parang 'di ka pa naman bakla nun ah? Asawa mo nga ako.” Ngumingiwi niyang tanong. Napaubo ulit ako saka nag-iwas ng tingin.

“Pa'no 'pag nalaman ng magulang mo na nandito ka?” Pag-iba ko ng usapan. She just shrugged bago yumuko.

“Nalaman na nila hehe.”

“At ayos lang sa kanila?” Taas kilay kong tanong. She shrugged again bago kinalikot ang mais na hawak niya. Tinanggal niya isa isa at pinagtatatapon sa sahig.

“Sinaktan niya ako.”

Ano daw?

Napatigil ako saka napatitig sa kanya. She was hurt? Kailan? I was about to ask her when I finally realized it. “I knew it. Hindi ka napagtripan lang sa kanto.” Mahina kong sabi. That was the time she crashed at our house!

“Oo hehe.” Sabay kamot niya sa ulo at kain ng mais niya. I groaned bago siya masamang tiningnan. Bakit 'di niya sinabi? And why would her parents do that?

She's into GaysWhere stories live. Discover now