28: Date

3.9K 203 45
                                    

“Tangina.”

Mura ko sabay kuskos ulit ng toothbrush sa bibig ko. Nakailang beses na ako kaka-toothbrush pero hindi parin maalis sa utak ko na hinalikan ako ni Kean. It felt disgusting for me. Parang may mali. Dati pangarap kong mahalikan si Kean, and now, I hate the mere thought of it.

“Kuya lower down the freaking volume!” Rinig kong sigaw ni Bailey mula sa labas ng kwarto ko.

It's 9 in the morning, and the song makasarili by sleep alley echoed in my room. Wala eh, naimpluwensyahan ako ni Briel. And the song perfectly fits what I'm feeling right now.

I ignore Bailey's complain at patalon na nahiga ulit sa kama. Kapag siya nga nagpapatugtog ng punk rock music 'di ko pinapakialaman tapos akong minsan lang, magrereklamo siya? Ayoko nga.

“Ewan ko sayo kuya. Bahala ka!” Sabay kalabog niya sa pinto ko at walk out. Napangiti nalang ako sa sarili ko habang patuloy na nakikinig sa kanta.

After Kean kissed me last night, sinabi ko sa kanyang I need space. Kahit di pa kami, kailangan ko muna ng space. Binabaliw pa ako ni Briel eh. And it's not healthy in a relationship.

Feel na feel ko ang kanta nang biglang tumunog ang phone ko kaya naudlot ang pag-eemote ko. Inis kong kinuha ang phone ko at nakitang tumatawag si Tita Glen kaya dinisconnect ko muna ang phone ko mula sa Bluetooth speaker.

“Gabi?”

“Tita Glen!” Masigla kong bati. Nakalimutan kong sabihan si Briel about sa issue nila ni Tita Glen. Paano na 'to?

“Gabi, hijo, I'm here in manila. Can you meet me?”

Muntikan nang malaglag ang phone ko nang marinig yun. Andito si tita sa Manila? What am I supposed to do? “Uhm, ano pong maitutulong ko?”

“Can you go fetch Gabriela? meet me in the shopping center. 'Wag mo munang sabihin na ako ang kikitain niyo. Please hijo?”

Natahimik ulit ako. We're not in a good shape right now. Bakit ngayon pa? “S-Sige po.” Great, I can't say no.

“Thank you talaga hijo! Some time dadaan ako diyan sa bahay niyo pero sa ngayon kakausapin ko muna si Gabgab. Itetext ko nalang sa'yo ang oras hijo okay? Sige salamat ulit.” Then she ended the call.

Nakatitig lang ako sa kisame. Walang planong gumalaw. Walang planong maligo. Walang planong pumunta kay Briel. Walang planong masaktan ulit sa pangi-snob niya.


+


“Bwisit.”

Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa pintuan ng kwarto nina Briel. Nakatayo lang ako doon na parang timang. Hindi alam kung tutuloy ba ako o hindi. Pero alas dose daw kami magkikita sabi ni tita at 11:25 na. Anong gagawin ko?

Itinaas ko ang kamay ko at akmang kakatok na pero pinigilan ko ulit ang sarili ko. Paano kung hindi siya maniwala? Paano kung magalit ulit siya? Paano kung umiyak ulit siya? Paano ku—

“Gabi?”

“Ay Gabi!” Gulat akong napalingon kay Penny na kakalabas lang mula sa pintuan ng katabing kwarto. She's eyeing me with curiosity kaya alanganin akong ngumiti.

“Penny—” Natigil ako nang may lumabas din mula dito. She didn't noticed me at first pero nang mapansin niyan napatulala si Penny ay nilingon niya din ako and now she's shocked too.

She's into GaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon