23: Pancakes and confessions

4.4K 199 90
                                    


Sino ka?”

“Gabriel, Gabriel Ferrer ho.” Nahihiya akong ngumiwi sa camera nang may tumambad sa aking babaeng nakakunot ang noo at mukang stress na stress.

“Gabi? Hijo? Naku kumusta na! Mama mo asan? Hindi na ako nakakabisita diyan.” Nakangiting sagot ni tita Glen sabay tanggal ng salamin niya at himas sa kanyang noo. She still looks beautiful pero halata mong stress. Sadly, Briel looks more like her father than tita.

“Ayos lang naman po kami.” Napakamot ako sa leeg ko bago nilipat sa kabilang kamay ang phone dahil nangangawit na ang kabila.

“Bat ka napatawag hijo? Ang gwapo mo na ah!”

Napatikhim nalang ako saka napaiwas ng tingin. Si tita talaga, mana kay Briel, magaling mambola.

“Uhm tita, about Gabriela....” Tinitigan kong mabuti ang reaksyon niya. Nang lumungkot ang muka niya ay alam ko na kaagad na may tsansang maayos din ang relasyon nila. Tita might be the strictest, stingy mother you'd have pero may soft spot padin siya.

“Nakita mo ba si Gabgab? Mukang nagpalit yata ng number. 'Di ko na macontact. Di ko naman pwedeng iwanan ang trabaho ko dito.” Naluluha niyang sabi na ikinangiti ko.

“Ayos naman po siya, kaya lang nung isang araw po nahimatay siya sa gutom. Nakalimutang kumain eh.” Nakangiti kong kwento. Bakas ang pag-aalala sa muka niya nang sabihin ko yun. Sino ba naman ang magulang na hindi mag-aalala?

“Gabi, pakialagaan muna 'yang si Gabgab ah? Wala ako diyan para bantayan 'yan. Tsaka pwede bang makausap siya? Kasama mo ba?”

Napatahimik lang ako saka siya nginitian. Mukang nagets niya naman ang ibig kong sabihin kaya nakita kong naluha siya ng konti. Jusko pati ako nahahawa sa iyakan ni tita.

“Tatawag ako mamaya. Kakausapin ko 'yang bata na 'yan. Sabihan mo 'ko pag andiyan na siya.” Paalam ni tita nang may babaeng kumalabit sa kanya. Pinapabalik na yata sa trabaho. Ngumiti nalang ako saka kumaway.

“Opo tita, ingat.”

“Ay siya nga pala, Gabi.” Bigla siyang ngumiti ng malapad na ikinakunot ng noo ko. “May umaaligid na bang lalaki sa anak ko? O may jowa na ba siya? Update mo naman ako. Baka tumanda 'yang dalaga.” Para bang kinikilig na sabi ni tita.

Napangiwi nalang ako bago nag-isip. Mukang wala pa naman maliban sa akin.

“Kung papayagan niyo po siyang magjowa, baka magkaroon.” Biro ko nalang na ikinahagikhik niya. Mas kinilig pa yata si tita kesa kay Briel.

“Ikaw talagang bata ka. Osiya, tatawag nalang ako mamaya. Ingat kayo diyan.”

“Ingat din po, bye bye.” Saktong pagkapatay ko ng phone ay bumukas din ang pinto ng kwarto ko. Napatalon pa ako sa gulat pero buti nalang 'di ako naabutan ng bruha.

“Oh ba't parang nakakita ka ng multo?” Natatawang tanong ni Briel habang hawak ang isang plastic na puno ng ice cream galing sa ice cream parlor na malapit sa amin.

“Nakakita ng bruha, kamo.” Biro ko pa pero sinamaan lang ako ng tingin ng gaga.

“Oh ice cream mo.”

Hinagis niya sa akin ang plastic at saka tumabi sa akin. Kanina pa ako nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard at nasa lap ko naman ang laptop. Manonood nanaman kami ng series since weekend naman.

“Salamat.” Mahina kong sabi sabay kagat sa ice cream sandwich na binili niya. I'm thinking gossip girls or pretty little liars, pero feeling ko 'di niya yun magugustuhan.

She's into GaysWhere stories live. Discover now