Chapter 40 ♣ Gamer

440K 8.4K 1.2K
                                    

Charisse POV

Kung mataas lang ang pride ko, baka 'di na ako pumasok dito sa company ngayon. Pero hindi. Hindi ko kailangang pa-apekto kay Palermo. Ayaw kong maapektuhan ang trabaho ko ng problemang puso ko. Dahil sa trabaho, kikita ako ng pera pero sa pagpo-problema sa lintik na puso nito, wala 'tong patutunguhan. Ni hindi nito kayang kumita ng pera. 

Abala ako sa pag-scan ng mga papeles na kailangan kong ipa-pirma kay Sir Lorence or kahit kay Luke man, I don't care. Professional ako kahit secretary lang ako. Ngayon pa ba ako aatras gayong ilang linggo ko ng pina-plastik ang sarili ko dito sa kompanya. 

I smile, I laugh, I maybe look okay but no, I am not. Pero ayokong ipakitang mahina ako. Never. Lalo na kung si Luke 'Gago' Palermo ang dahilan. 

"Miss Alano."

Nag-angat ako ng tingin. Si Sir Lorence. "Yes, Sir?"

"I have something to tell you. Sunod ka sa loob." Sumenyas sya sa loob ng opisina. Nauna na syang pumasok do'n kaya sumunod ako. 

Wala naman si gagong Palermo ngayon. Hindi pa sya dumarating. Alam ko 'yon dahil maaga akong pumasok. 

Nang makapasok ako sa loob ng private office ay sinundan ko ng tingin ang bawat galaw ni Lorence. Naupo sya sa swivel chair. Naka-de-kwatro pa syang tumingin sa'ken. 

"Magkakaroon ako ng meeting abroad. And I need you as my secretary to accompany me."

Wait. Meeting abroad. So sa ibang bansa? Pero.. "Paano po dito?"

"Hindi mag-ooperate itong office of the CEO na wala tayo so don't worry about it."

"Saang bansa po?" Tanong ko. Iniisip ko lang naman ay trabaho. Pero aminin ko man o hindi, medyo nakaramdam ako ng excitement. Never pa kase akong nakaka-travel abroad eh. 

"Hongkong lang. We'll spend three days there. Bukas na ang alis natin kaya mag-impake kana mamaya. Ihahatid kita sa bahay nyo dahil dadaan tayo ng mall para maibili kita ng mga damit na gagamitin mo sa mga meetings sa Hongkong."

Umiling. "May mga damit naman p--"

"Miss Alano, hindi pu-pwede do'n 'yang suot mo ngayon. Kahit secretary ka ay kailangang makipagsabayan ka sa mga imi-meeting natin kahit sa pananamit man lang. Kaya 'wag ka ng tumanggi."

Requirement ba talaga 'yon sa ibang bansa? Kung hindi ganitong formal ang suot ng mga secretary sa ibang bansa, kung gano'n ano? Swimsuit? Aish. 

"Kayo po ang bahala, Sir." Sabi ko. Alam ko namang wala akong laban kay Lorence. Kung anong sinabi nya, masusunod. Isa pa, para naman ito sa company. 

"Okay, makakabalik ka na sa mesa po." Utos nya. 

Tumango lang ako saka tumalikod na para lumabas sa opisinang iyon. Pero paglabas na paglabas ko, mukha ng huling lalaking gugustuhin kong makita ngayong araw na 'to ang bumungad sa'ken. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon