Chapter 46

564K 8.1K 987
                                    

Charisse POV

Tulala sa kawalan. Hindi ko pa din akalaing ginawa na talaga namin ni Luke ang bagay na "yun"

Kani-kanina pa ako gising at inaalala ang nangyari kagabi. Nakakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung paano haharapin si Luke 'pag nagising na siya. Basta nakakahiya! Kasi eh..

Hindi naman ako lasing kagabi. May tama lang pero nasa matinong pag-iisip pa ako. Kaya 'yung nangyari sa'men kagabi, kagustuhan ko din iyon. Mahal ko si Luke at tulad ng sabi ng konsensya ko, handa naman na ako eh. Kasi pinanghahawakan ko din 'yung sinabi ni Luke na pagkatapos niyang ma-solve ang anomalya sa kompanya niya, papakasalan niya ako. Hindi ko alam kung paano at kelan nagsimula ang pagpapangarap kong makasal sa taong mahal ko. At sa tingin ko ay handa na rin ako sa bagay na 'yun--basta kay Luke. I trust him. Malandi lang siya pero hindi siya manloloko. 

Hay. Kagabi, unang nakatulog si Luke. Sa pagod na din siguro. After non, nakatulog din agad ako. At ngayon, nauna akong nagising. Medyo nananakit ang balakang ko. Ganun pala 'yung feeling lalo na 'pag first time. Yung ang sakit sa loob eh. Parang may napupunit na something sa ano nating mga babae kapag first time. 

Hubad pa rin ako. Kahit si Luke. Hindi ako halos makagalaw dahil nakayakap sa'ken si Luke. Kagabi ay nasa ibabaw nya ako nang makatulog siya pero bago ako matulog ay bumaba ako at humiga sa tabi nya. At kaninang paggising ko, napangiti ako nang mabungaran ko ang gwapong mukha ni Luke. 

Masaya ako, honestly. Hindi dahil may nangyari na sa'men ni Luke kundi dahil mas lalo kong naramdaman na mahal nya talaga ako. Ramdam na ramdam ko 'yun kagabi. 

"Hm.."

Nanlaki ang mata ko nang umungot si Luke. Shemay magigising na sya. Nahihiya ako! Ayokong..ahh! Magpapanggap muna akong tulog. 

Ipinikit ko ang mga mata ko. Halos pigilan ko ang hininga ko para lang mabawasan 'yung mabilis na pagkabog ng dibdib ko. 

Gumalaw ang braso nya at inihawak iyon sa waist ko. Jusko! Hubad na hubad pa ako! Wala akong kahit anong suot. Nakakumot lang kami para matakman ang katawan namin kaya nanlalamig tuloy ako nang maramdaman ang palad nya sa waist ko. 

Ilang segundo pa ay lumapat ang labi ni Luke sa labi ko. Tiis pa! Ayokong mahalatang gising na ako. Hindi ko talaga alam kung anong unang sasabihin sa kanya. 

"I love you, baby." He whispered to my ear saka hinalikan naman ang pisngi ko. 

Hinila nya ako para mas magkadikit ang katawan namin and swear! May tumutusok na something sa may puson ko. Langya namang Palermo 'to oh! 

"Baby.." Tawag ni Luke. 

Ginigising na niya ako! Shet! Anong sasabihin ko? 

"Charisse, baby.."

Pakshit namang Palermo 'to! Bakit kasi nanggigising! Aish. Nagkunwari akong bagong gising. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon