Last Chapter

509K 9.4K 2.3K
                                    

Three months later..

Charisse POV

Maraming nangyari. Naayos na ang mga dapat ayusin. Tatlong buwan na ang mabilis na lumipas at hindi ko maitago ang saya ko ngayon. 

This is it. Every womans dream--ang makasal sa lalaking pinakamamahal nila. Yes, we're getting married. Nag-propose sa'ken si Luke three months ago, pagkatapos naming kausapin ang parents niya. 

Natatawa nga ako 'pag naaalala ko..

Flashback

Abala ako sa paghihiwa ng cake na binili ni Palermo para sa'ken. Celebration daw na may basbas na kami sa parehong pamilya namin. 

Hindi ko maintindihan kung bakit kakaibang ngiti ang ang nakasilay sa labi ni Luke habang pinapanood ako. 

"Galaw, galaw! Baka ma-stroke." Biro ko habang hinihiwa ang cake. 

"Oh, baby. C'mon, finish that." Aniya na tinuturo ang cake. 

Nang makahiwa ako ng slice ay nilagyan ko siya sa platito niya. Saka ako kumuha ng para sa'ken pero nalaglag yung slice ng cake mula sa bread knife na hawak ko dahil may kung anong mabigat sa cake. 

"Ano 'to?" Tanong ko nang may mapansing maliit na box sa loob mismo ng cake. 

"Cake 'yan, baby." Pilosopong sagot ni palermo. 

"Pilosopo! Ito oh! May maliit na box."

Ngumisi si Luke. "Check it out, baby."

Pa-mysterious. Ano naman kaya 'to? Mukhang may kinalaman si Luke dito. Kinuha ko 'yung box kahit puno ng icing. Pati kamay ko nalagyan na. 

Biglang kumabog ang dibdib ko nang mapagtanto kong..shit. 

Inagaw ni Palermo ang maliit na box. Tumayo siya sa gilid ko saka biglang lumuhod. Binuksan nya ang box. Bumungad sa'ken ang napakagandang singsing. Is it...?

"Charisse Alano, alam kong malandi ako, bastos ang bibig ko, makapal ang mukha ko, mahangin, adik sa sexytime, maloko pero ang pagmamahal ko sa'yo ay totoo. Mahal na maha kita. Alam ko sa sarili ko--ramdam ko na dito na ikaw na ang babaeng nakatadhana para sa'ken. So I will ask you a question. Baby, will you marry me?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko napigilan ang kusang pagtulo ng luha ko. He's proposing! He's asking me to marry him. How can I say no? Mahal na mahal ko din ang lalaking 'to. 

Tumango-tango ako. "Y-Yes..Oo! Oo Luke."

"Apatnapongputpitongtupa! Thanks, God! Thank you, baby!" Sigaw nya. 

Natawa nalang ako sa reaksyon nya. Kahit kelan talaga si Palermo. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon