Chapter 38 ♣ The Truth

428K 8.6K 1.2K
                                    

Charisse POV

Kinakabahan ako. Paano ba naman, on the way ako papunta sa mansyon nina Palermo. Sakay ako dito sa kotse ni Lorence. Sinamahan nya akong magpa-salon at bumili ng dress.

I'm wearing a fitted black dress na pa-tube. Simple pero elegante. Nakalugay ang buhok ko na kinulot ang dulong part. Light lang ang make up ko. Medyo di lang ako gano'n ka-komportable sa heels na suot ko. Two inches kase. Di naman ako masyadong sanay eh.

"We're here." Anunsyo ni Lorence.

Lalo akong kinabahan. Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay mabawasan ang pagdagundong ng dibdib ko.

Kanina sa kompanya, 'di ko nakita si Luke. Di sya pumasok kaya ngayon ko palang sya makikita.

Ikinawit ni Lorence ang kamay ko sa braso nya then pumasok na kami sa loob. Maraming tao. Sa garden nila ang party. Malakas ang sounds at marami talaga silang bisita. Sabagay, mayayaman eh.

"Ayun sina Mama. Lapit tayo sa kanila." Sabi ni Lorence. Tumingin ako sa gawi ng itinuro nya.

Shocks. Ayun din Papa nya. Mas kinakabahan ako.

"Papa. Mama." Tawag ni Lorence sa parents nya na agad namang tumingin sa'men. They are smiling at us.

"Miss Alano?" Tanong nung Papa nila.

Tumango ako. "Good evening po."

"Oh, it was nice seeing you again, Miss Alano." Sabi naman ng Mama nya.

"Mama, Papa, where's Luke?" Tanong ni Lorence.

"Ah, andon na sa table natin. Kasama ang date niya. Pumunta na kayo doon at kumain na." Sabi ng Mama niya.

Ngumiti lang ako kahit nagpantig na ang tenga ko. Si Luke may kasamang date? Okay. Magseselos ba kaya ako 'pag nakita ko sila? Shet. Ihahanda ko na ang sarili ko.

Sa parents pa nga lang nila, kabadong kabado na ako. Buti nalang okay lang sa kanila na makita akong ka-date ni Lorence kahit napakilalang girlfriend na ako ni Luke. Hay. Siguro ay dahil sanay na ang parents nila na papalit-palit talaga ng babae si Luke.

"Let's go."

Tumango ako at ngumiti. Naglakad kami papunta sa malaking table sa unahan. Ant nandon si Luke, tumatawa habang ka-kwentuhan ang date niya. Nakatalikod pa 'yung babae sa gawi namin.

"Yow!" Bati ni Lorence.

Tumingin naman agad si Luke at nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Ang kaninang mukha nyang masaya ay biglang sumeryoso.

Napatingin na rin sa'men ang date nya. At nang ma-realize ko kung sino sya, halos lumaglag ang panga ko. What the hell?

"Best! Nandito ka din? Ikaw pala ang date ng kapatid ni Luke. Wow. Com'on, kain na tayo!"

God. Why? Bakit si Aileen? Si Aileen ang date ni Luke. How come? Paano nangyaring sya? Ibig sabihin si Aileen ang nakapagpatawa ng gano'n kanina kay Luke. Pero mali eh, alam kong sasaktan nya lang ang bestfriend ko tulad ng ginawa nya sa'ken.

Iginiya ako ni Lorence na umupo. May mga plato na and naka-serve na pagkain dito sa mesa. Sina Luke at Aileen palang ang nandito sa table.

"So you're my brother's date?" Sarkastikong tanong ni Luke sa'ken. Diretsong nakatingin ang mga mata nya sa'ken.

Tumikhim ako. "Ah, oo." Sagot ko. Pilit kong inaalis ang kabang nararamdaman ko. I want to act natural. Wala naman kaseng alam si Aileen about sa amin ni Luke.

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon