Chapter 29 ♣ Ovaries

489K 8.3K 1.2K
                                    

Luke POV

Tangna. Sakit ng ulo ko. Nagpakalasing na naman ako kagabi. Tangnang kupido kasi yan. Papahanap ko talaga 'yan sa mga investigator ng kompanya eh. Ipapakulong ko siya. Tch!

Ano bang nangyari kagabi? Alam ko lasing na lasing ako. At..

Fvck! Kasama ko si Charisse kagabi ah. Napatingin ako sa paligid. Wala na siya. Lagi namang ganon. 'Pag sinasamahan niya ako dito sa unit ko, 'pag nagpapakalasing ako, paggigising ko ng umaga, wala na siya. Tch. 

Masyado niya ipamukha saken na di niya ako gusto. Ano bang nakita niya sa gagong kapatid ko?

Bumangon na ako. Anong oras na. Alas otso palang ng umaga. Bat ba ang aga ko magising. Langya naman oh! May hangover pako. Amputek!

Lumabas na ako ng kwarto. Nakahawak pa ako sa ulo ko. Sakit eh. Putek. Pero napatigil ako. 

O_____O

Amoy...pagkain?

Kelan pa ako nagkaroon ng cook? May nagluluto yata sa kusina ko ah? Putek baka pinuntahan ako ng mga babae ko at sasabihin sakeng, "Luke baby! Itanan mo na ako!"

Fvck! Hell no. Binabawasan ko na nga ang kalandian ko. 

Bumaba ako ng salas. Rinig ko pa ang tunog ng mga plato na parang may gumagalaw sa kusina ko. Sino bang talapandas ang naligaw dito sa unit ko?

O______O

Gising na ba talaga ako? O naka-drugs lang ako? Totoo ba nakikita ko? Putang*a kung totoo 'to..

"Oh, ano pang tinatayo mo dyan? Breakfast is ready!"

Fvcking hell!

--

Charisse POV

Nag-poker-face ako. Ito kasing si Luke, kala mo nakakita ng multo. Mulat na mulat sa'ken. 

"Oh, ano pang tinatayo mo dyan? Breakfast is ready!" Masiglang sabi ko. 

Pinagluto ko siya ng breakfast. Gusto kong makabawi sa kanya. Gusto ko siyang bigyan ng chance na magbago. Gusto kong makita ang other side niya, yung hindi playboy side. Napag-isip-isip ko kasi kagabi na wala naman sigurong masama kung bigyan ko siya ng chance. 

Hahayaan ko siyang patunayan ang sarili niya sa'ken. Kung mapapatunayan niyang seryoso siya at kaya niyang magbago, e'di mabuti. 

"Are you..."

=__=

Alam nyo yung itsurang 'kala mo nakakita ng multo. Parang di makapaniwala sa nakikita niya. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon