Chapter 9 ♣ Pervert Boss

617K 8.8K 681
                                    

Charisse POV

"Kiss me."

What? Ano daw? Kiss? As in halik? Seryoso ba 'tong si Luke? 

Tumingin ako sa mukha nya. Seryoso syang nakatingin saken. Mapupungay ang mata nya. Lasing na ba agad ang lalaking 'to? Akala ko ba ang playboy, malakas uminom ng alak. Bakit bangag na agad itong si Palermo?

Napalunok ako lalo nang unti-unti nyang nilalapit ang mukha nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa maaari nyang gawin. 

O_____O

Shit. Bakit sa ganoon kabilis na paraan ay nailapat nya ang labi nya saken?

O____O

Naitulak ko siya sa gulat. No! It can't be. Ang first kiss ko, shit!

"Awww! Fvck! Bakit mo ako tinulak?"

"Bakit mo ako hinalikan?!" Balik-tanong ko sa kanya. 

"For Pete's sake! That was just a kiss! Big deal ba sayo yun, eh nasarapan ka naman!"

=_=

The nerve of this playboy. Argh! "Ang kapal mo. Sinong may sabing nasarapan ako? Wag ka ngang feeler!" Nakakainis na ha. Masyado syang mahangin at malaki ang bilib sa sarili. 

"Really? Bakit di mo aminin na nagustuhan mo? Ang halik ng isang Luke Palermo, katumbas ng ginto. Lahat ng babaeng nakakatikim ng halik ko, kulang nalang mag-suicide sa sobrang saya."

Seriously?! May mga ganong babae? Si Luke lang yan. Hindi sya Diyos. At ang halik daw nya, katumbas ng ginto? The hell. "Ginto ha? Ha? Ba't di mo isangla ang labi mo? Baka mas yumaman kapa." Pagtataray ko. 

Boss ko sya pero ngayon, hindi ko mapigilan ang sarili kong sagutin sya at tarayan. He kissed me! At hindi yun makatarungan para saken dhail first kiss ko yon. 

"Are you mad at me?" Para syang pagewang-gewang na tumayo saka bumalik dito sa couch sa tabi ko. 

"Oo!" Mabilis kong sagot. 

"Why?"

Slow nya, promise. Kakasabi ko lang eh. "You kissed me without my permission!"

"If you really want to kiss someone, permission is not important. Grab the chance before it's too late."

=_=

Ang lalim ng sinabi nya ha. Pero hindi nya ako madadala sa mga ganito nya. "Ganyan din ba ang line mo sa ibang babae? Kung inaakala mo na katulad nila ako, nagkakamali ka Luke. Sinabi ko naman sayo, una palang, wala kang appeal saken. Kaya 'wag kang feeler na gusto kong hinalikan moko. Actually, nasusuka nga ako ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong gamitin sa labi ko, alcohol ba o pwede na ring muriatic acid para tanggal talaga ang germs na galing sa labi mo." 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon