Chapter 49

560K 8.1K 2.7K
                                    

Charisse POV

"O, is-em! Is-em! Sampu pa!"

Sumimangot ako. Siksikan na nga kami dito sa jeep tapos sampu pa daw ang kulang sabi nung dispatser? Batuhin ko kaya ng bag ko 'yan? 

Papunta akong mall. Nakalimutan ko kasi na magkikita nga pala kami ni Aileen. Naalala ko lang kanina nung on the way na kami ni Luke sa condo niya. Sabi ko, dun nalang ako uuwi mamaya pagkagaling ko sa SM. 

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko agad sa bag ko at sinagot ang tawag. "Hello?"

[Nandito na ako sa mall, best.]

Ngumiti ako. "Hintayin mo lang ako. Dyan nalang sa may Dunkin' Donut. Upo kalang muna don ha. Malapit na ako."

Kunwari malapit na pero hindi pa nga umaalis ang jeep dito sa pilahan. Letseng driver kasi, ginagawang bus ang jeep nya. 

"Manong 'di pa ba aalis? Puno na o!" Sigaw nung isang pasaherong mukhang nagmamadali. 

Hindi sumagot ang driver. Patay malisya. Hmp! Bwisit. Nakakainip ha. 

Maya maya ay umalis din ang jeep. Para kaming sardinas sa sikip. Pinagkasya ang sampu sa isang hilera. Eh siyam-an lang 'to. Napaka-gahaman talaga. Ba't 'di nalang nila pagawaan ng second floor ang jeep nila 'no?

Naalala ko kanina nung nagpaalam ako kay Luke na 'di muna ako sasama sa unit niya, parang naluging intsik eh. Ayaw pa nga ako payagan at pinipilit pa na sasamahan niya ako. Sabi ko, mas magandang bumalik muna siyang company at kausapin ng matino si Lorence. Saka mabuti na ring i-check niya don, baka mamaya may ginagawa na namang kalokohang si Lorence. Hindi naman sa ano, pero mahirap magtiwala sa taong gumawa ng maling bagay. 

Ilang saglit lamang ay 'di ko namalayang nasa mall na ako. Buti walang traffic kundi maiinis si Aileen don, for sure. 

Tumigil na ang jeep at nagba-baan na kaming mga pasahero. Hanggang dito lang kasi ang jeep. Pumasok ako mall at dumiretso sa Dunkin' Donot. 

Medyo malayo pa ako nang matanaw ko na si Aileen. Nakaupo sa isa sa mesa doon at kumakain ng donut. 

"Best." Tawag ko. 

"Uy." May iba sa awra nya. Ewan ko, parang umiyak? "Upo ka."

"Okay kalang ba? Para kang umiyak. May problema ba?" Tanong ko. Nag-aalala ako. Hindi na nga kami masyadong nagkikita at nagkakausap. Hindi na ako updated sa bestfriend ko. 

Parang bigla ay hindi siya mapakali tapos nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya. Sumeryeso na parang nagpipigil ng iyak. 

"Okay kalang?" Tanong ko ulit. "Ano bang problema? Tell me."

"G-Gusto mo talagang malaman ang problema ko? H-Ha, bitch?"

Nanlaki ang mata ko sa tawag niya sa'ken. Bigla akong nalito. "W-Wait, anong sabi mo? Aileen, ano bang nangyayari?"

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon