Chapter 33 ♣ Rude

437K 8K 2K
                                    

Charisse POV

Parang ordinaryong araw lang ngayon. Pero saken, hindi. Dahil brokenhearted ako. Wasak ang puso ko. Tipong dinaig pa ang dinaanan ng tidal wave. Shit lang kaseng Palermo 'yan. Wala siyang puso. Ngayon ko napatunayan na..he's a real casanova. 

Kararating ko lang dito sa company. See? May guts akong pumasok. Why not? Hindi naman ako naalis sa trabaho. Saka isa pa, sayang rin. Ayokong tumunganga lang sa bahay. Hindi nalang ako papa-apekto sa presensya ni Palermo. Kaya ko namang kumilos na isang professional. Papansinin ko lang siya kapag kailangan. As his secretary. Nothing more. Asahan niya na wala siyang matatanggap na ni katiting na ngiti mula sa'ken. 

Tinambol ng kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang pagtunog ng elevator. Kapag hindi si Lorence, si Luke 'yan. Nakatungo ako. Hindi ako tumitingin kung sinuman ang dumating. 

"Miss Alano, isunod mo sa office ko lahat ng papeles na kailangang pirmahan for this week."

Dug, dug..

Shit! Kahit hindi ko tingnan. Alam kong siya 'yan. 

"Goodmorning, Sir. Isusunod ko nalang po." Bati ko sa kanya na animo'y walang nangyaring sakitan sa'ming dalawa. Kung alam niya lang na isang daang beses ko na siyang minumura ngayon sa isip ko. 

Hindi na siya nagsalita pero saglit niya akong tinitigan. Nailang tuloy ako. Psh! Para saan ang titig na 'yun? Kalandian na naman? Tsk tsk. 

*ting*

Tunog muli ng elevator. I'm sure, si Sir Lorence na 'yan. 

Parang natauhan si Luke saka pumasok na sa private office niya. Himala nga pala at pumasok siya ng kompanya. Maaga pa. 

"Goodmorning, Sir Lorence." Bati ko. This time, nakangiti ako unlike kay Luke kanina na pormal lang ang itsura ko. 

He smiled at me. "Miss Alano, let's have lunch together later."

O_O

What? Lunch together? Oh my god. Eto na naman ang kilig cells ko. Nagwawala. 

"A-ah, pero Sir hindi ba nakakahiya? You know.."

"Nakapag-lunch na tayo before, right? So bakit ka mahihiya? Don't worry, okay?"

Bahagya akong ngumiti. "Uh, okay."

Ngumiti ulit siya saka pumasok na sa private office.  

Jusko. Ba't naman bigla ay nagyaya mag-lunch si Sir Lorence? Nakakahiya pero alam nyo na, kinikilig din ako. Syempre, kahit mahal ko na si Luke, di ko pa rin maiutatangging crush ko si Sir Lorence. Siya nga ang ideal man ko 'di ba?

Nagsimula na akong mag-trabaho. Iwawaglit ko sa isip ko ang personal kong problema. Ayokong dalhin 'yun dito sa trabaho ko. Mas mabuti nga ngayon, wala ng mang-iistorbo sa'ken. Tipong basta nalang ako dadalhin kung saan, anytime. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon