Chapter 50

597K 8.4K 1.7K
                                    

Luke POV

"Nakausap ko na ang kapatid mo. Inamin niya sa'ken ang lahat lahat. Ang ginawa niyang kalokohan, mula sa simula."

Nakahinga ako ng maluwag. Tangna. Kinakabahan pa naman ako dahil ang aga aga akong tinawagan ni Papa kanina para pauwiin dito sa mansyon namin. Akala ko ibibitin ako patiwarik dahil sa ginawa ko dun sa nagmo-monitor sa'ken. Tch. 

"Papa.."

"I'm sorry, iho. Dahil sa ginawa ng kapatid mo, na-manipula ko ang buhay mo. Alam mong hindi ko ugali na pakialamanan ka sa mga ginagawa mo. Sa totoo lang ay hanga ako sa'yo dahil sa pagpapanatili mong stable ang Palermo Enterprise kaya nga kahit alam kong nagpapasarap ka sa kung saan saan ay hinahayaan lang kita."

Ngayon lang nag-drama ng ganito si Papa sa'ken. Tangna nakakapanggilid naman ng luha. Ang bading. Fvck. 

"I'm proud of you, son. Lalo na nang malaman kong wala pala talagang anomalya sa Palermo Enterprise. And one more thing, alam mo bang natuwa kami ng Mama mo nang magpakilala ka na ng girlfriend? Kasi akala namin ay habambuhay ka ng makikipaglandian sa mga flings mo."

Tungunu. Si Papa, makapagsabi naman ng makikipaglandian. Hindi ako malandi! 

ERROR. 

Ge! Malandi paka ako. Tch. 

"Pa.."

"Kumusta na kayo ng girlfriend mo, iho? Pasensya na kung pati lovelife mo ay naapektuhan. Tulad ng sabi ko, nasa side mo kami. Kung gusto mo siyang pakasalan, nandito kami ng Mama mo para sumoporta. Hindi mahalaga sa'men kung galing siya sa mayaman na pamilya o hindi. Ang mahalaga ay mahal ka niya, iho."

Tangna. Nakaka-bakla talaga. Napaka-sweet ng ama ko ngayon. Damn. Naka-recieved lang naman ako ng blessing na pwede na akong magpakasal. At sinabi na niya, hindi sila tututol. 

"Thanks, 'Pa."

"Anong balita sa kapatid mo? Pwede mo ba siyang puntahan sa condo unit niya? Mag-usap kayo nang maayos agad ang gulo."

Tumango ako. "Opo, 'Pa. Kakausapin ko si Lorence."

"Salamat anak at hindi ka nagtanim ng sama ng loob lalo't nalaman mong hindi mo siya buong kapatid."

"Wala na sa'ken 'yun 'Pa. Ang mahala, maayos ang kompanya at maayos na kami ng girlfriend ko. 'Yun lang, sapat na para maging masaya ako."

Tumayo si Papa at tinapik ako sa balikat. "That's my boy. I'm really proud of you, son."

Yumakap ako kay Papa kahit nakaka-bading. Masaya ako na proud sa'ken si Papa kahit malandi ako--noon. Ngayon, nagbago na ako dahil kay Charisse. 

"Dalhin mo ulit dito ang girlfriend mo para makasabay ulit natin ng dinner."

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon