Chapter 36 ♣ Eat

402K 7.9K 2.1K
                                    

Charisse POV

Dahil nag-overtime kagabi, di tuloy natuloy 'yung bonding namin ni Harris pero tumawag sya sa'ken kanina na pwede naman daw mamayang gabi. So ayun, pumayag ako. Why not naman? I'm single at friendly date lang naman. 

"Miss Alano, pagtimpla mo akong kape." Sabi ni Palermo mula sa intercom. 

Tumayo na ako at pumasok sa private office nya. Dalawang araw ng hindi pumapasok si Sir Lorence. Parang pagkaka-alam ko, may outdoor meetings siyang ina-attend-an. 

Dumiretso ako sa coffee maker sa mini kitchen dito sa loob ng opisina ni Palermo. Napansin kong busy sya sa pagta-type sa monitor nya. Nagbabagong buhay na yata ah. Sipag eh. 

Nang makapaglagay ako sa tasa ng kape ay dinala ko iyon sa table ni Palermo. "Coffee, Sir." Sabi ko. 

Hindi nya ako pinansin. Hindi na rin nya tinapunan man lang ng tingin ang nilapag kong kape sa mesa nya. Aba suplado ang manlolokong tingting!

Tumalikod na ako. Hawak ko na ang doorknob nang magsalita siya. 

"Why you gotta be so rude?"

Kumunot ang noo ko. Kelan pa ako naging rude sa kanya? Well, always pala. Pinaparamdam ko sa kanya na rude ako. Kasalanan naman niya. Dahil yun sa panlolokong giawa niya. Pasalamat nga siya ginagalang ko pa siya dito sa kompanya dahil boss ko siya at ayokong mawalan ng trabaho.

"Don't you know, I'm human too?"

Human ba sya? Walking aids kaya siya! Psh. Nanatili lang akong nakatalikod. 

"Why you gotta be so rude?"

Paulit-ulit? Unli? Rude na ako kung rude. Psh. Ano naman sa kanya? 'Diba nga niloko nya lang ako? Sinong mas rude sa'men?

"I'm gonna marry you anyway."

Nanlaki ang mga mata ko. He's going to marry me? Kelan? Paano? Ano? Bakit? Alin? Shemay! Diba niloko lang naman nya ako? Naging flavor of the month lang at agad na kinasawaan. Tapos sasabihin nya ngayon na papakasalan din naman nya ako. Ano bang umiikot sa kukote nya?!

Lumingon ako sa kanya at nag-ipon ng lakas ng loob. Magsasalita na ako nang magsalita sya. 

"Oh, Miss Alano? Di ka pa pala lumalabas? Why?"

Huh? So..di nya alam na nandito ako? "Yung sabi mo rude ako.."

Bigla syang tumawa ng malakas na ikina-poker-face ko. Punyetang lalaki 'to! 

"Wahahaha! Yun ba? I'm just reading the lyrics of the song entitled, "Rude". Here! What's the matter?" Tanong nya habang iwinawagayway sa'ken ang bondpaper na may nakasulat ngang lyrics. 

Ramdam ko ang pag-kalat ng kahihiyan sa buong katawan ko. Letseng 'to! React pa man din ako ng react tapos hindi pala nya ako kinakausap at nagbabasa lang ng lyrics! Bwisit na Palermo! Napaka-paasa talaga! Aish. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon